Samu't-sari ang nararamdaman ko ngayon! Maligaya ako dahil narito si Jenessa na kapatid ko sa ama. Halos hindi ako makapaniwala sa mga nagbago sa kanya. Mapanukso ang mga titig niya sa akin lalo na ng bumukas ang pintuan ng sala at pumasok si Frosto. Ngumuso ako ako ng makita siyang hawak ang kanyang cellphone at nasa akin ang tingin. Tulad ng palagi niyang suot ay naka puting T-shirt siya at pantalon. Siguro hinubad niya ang kanyang polo. Nilagay ni lola ang juice sa mesa at mga pagkain. "Frosto, hijo. Magpahinga ka muna at wala ka pang pahinga." si lola, nag aalala. Ngumiti ng tipid si Frosto umakbay sa likod ng upuan ko. Hinimas niya ang aking balikat. "Marami lang tinatawagan lola. Konti nalang handa na ang lahat." Pekeng umubo si Jenessa. Ang dami ko gustong tanungin sa

