Mataas na ang sikat ng araw kinabukasan paggising ko. Maayos na rin ang aking pakiramdam. A little lightheaded still pero hindi na ako nasusuka. Bumaling ako sa kabilang bahagi ng kama. Wala na si mama. Nagluluto na iyon siguro. Napahawak ako sa tiyan nang kumulo ito. Bumangon ako at nagbanyo pagkatapos ay lumabas na ng kwarto. "Ma?" tawag ko. Walang sumagot. Humakbang ako papunta sa kusina pero napatigil rin dahil sa pagkahilong naramdaman. Napahawak ako sa pader. Pumikit ako at sinapo ang ulo. Nang sa tingin ko ay ayos na ay muli akong humakbang. Pero muling umikot ang paligid at nawalan ako ng balanse. Hinintay ko na lang na saluhin ako ng sahig. Pero imbes na ang matigas na flooring ang inaasahan kong sasalo sa aking katawan, isang matigas na laman ang sumalo sa aking bigat at may