NAGISING ULI ako. This time I feel so refreshed. Patunay na wala na akong sakit. Nagulat pa ako ng di makita si Jacques sa tabi pero ang naririnig kong pagkalansing ng kung anong bagay sa kusina ang patunay na narito pa rin siya. May napansin akong isang paso malapit sa cabinet na may tanim na fortune plant. Nagtaka ako. Kailan pa nahilig si mama na maghalaman? Ako lang ata sa aming pamilya ang mahilig dito. I can smell foods kaya bumangon na ako at tinahak ang kusina. Kumakalam na ang sikmura ko. Nagrerebolusyon na ang mga alaga. Sumandal ako sa dingding at napangiti sa nakita. Si Jacques in all his upper naked body glory ay naghahain ng mga pagkain sa mesa. Nakasuot ito ng apron at may pawis pa na tumutulo mula sa mukha pababa sa tiyan nito. Tumikhim ako para pawiin ang bara sa lala