TOL!" tawag ni Owen sa akin. Siya ang head chef ng hotel. Bukod sa ilang branches ng sarili nitong restaurant ay di pa rin nito binibitawan ang post nito dito. Tiningnan nito si Deniece na inaalalayan ko sa bewang. "Tol," bati ko rin dito. "What happened to her? Akala ko si Myca ang kasama mo dito?" ang nagtataka nitong tanong. "Nahilo siya. I'll just accompany her to her room," paliwanag ko. "Tol, I know I might be mistaken but I just saw Myca outside. Nagkabanggaan pa nga kami. She seemed to be crying." Sa narinig ay nahinto ako sa paglalakad at nilingon ang kaibigan. "Ano'ng sinabi mo?" Naramdaman kong nanigas si Deniece sa tabi ko. "I saw her at the stairway. I thought she came from up here kaya akala ko siya ang kasama mo. I really thought so na siya ang ka-dinner mo ngayon