Chapter 2

1851 Words
Alas otso na ako nakauwi kinabukasan. Umabot pa kasi ng alas-kuwatro ng madaling-araw ang aming hindi matapos-tapos at walang kakuwenta-kuwentang usapan. As expected, ngawa lang ng ngawa si Xylca. Ubusin mo ba naman ang halos isang case ng alak at balikan ang mga moments ng ex mo eh hindi ka pa ba maglulupasay sa sahig. Tulog pa rin sila ng magpaalam ako sa mga magulang ni Sheki na mauuna na akong umuwi dahil may pasok pa ako mamayang tanghali. Graduating na ako sa kursong BS in Hospitality Management sa isang state university. Pinalad na makapasa sa entrance exam at makuha ang sa tingin ko ay pinakapraktikal na kurso na kaya ng utak ko at ng bulsa ni mama. Kahit sabihing free na ang tuition at miscellaneous fees ay malaki-laki pa rin ang nagagasta ni mama sa aking pag-aaral. Sa mga libro pa lang at practical exams ay kailangan talagang sasapat ang iyong pera. Hindi man masyadong kamahalan ngunit masakit pa rin sa pitaka. Nagtataka nga si mama kung saan ko nakukuha ang mga luho ko at kung bakit daw may pera pa akong naipambibili ng mga anik-anik. Umabot pa nga sa puntong tinanong ako ni mama kung may sugar daddy ako o nagbebenta ba ako ng laman. Ang lakas ng tawa ko dahil doon. Hello, uso na po ngayon ang ukay-ukay at thrift shops. Naglipana na rin ang mga online sellers na naghahanap ng mga resellers. Siyempre bilang isang dakilang self-confessed fashion and make-up guru at ultimate diskarte girl eh di ko na pinalalagpas ang mga pagkakataon at kaagad sinusunggaban. Magaling akong chumika at kumumbinsi ng mga prospect buyers. Sa awa naman ng Diyos ay may mangilan-ngilan na rin akong mga suki. Minsan, nagmo-model din ako ng mga damit sa mga small shops. Libre na ang serbisyo basta may damit o make-up na maiuuwi. Kung maka jackpot naman ay nababayaran ako ng mga isang libo hanggang limang libo sa mga photoshoots  or gigs with photographers na naghahanap ng mga low budget models. Nagde-deal rin ako ng mga cosmetics at accessories. Minsan ay nagbabahay-bahay pa ako para alukin ng mga beauty brochures ang Pinantatabi ko ang malaking bahagi in case na may emergencies na mangyari. Siyempre nagbibigay din ako kay mama na di niya naman tinatanggap dahil kaya pa daw niya kaming buhayin. Sa susunod na daw dapat ako magbigay kapag may trabaho na ako. Isa pang source ko ng mga accessories and clothes ay ang pagsali sa mga giveaways sa f*******: at sa i********:. Suwerte siguro ako dahil makailang beses na rin akong nanalo sa mga ganyan-ganyan. Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko si mama sa sala na nagta-tally ng kaniyang mga panindang frozen products. Si Mike ay pumasok na siguro. Napangiti ako. Sa kanya talaga ako nagmana. Sa kaniya lang ba talaga? Ang tanong na sumagi sa aking isip. Ipinilig ko ang ulo ng malasahan  ang pait na dulot ng alaala. Erase. Erase. Scratch that. Don’t even think about it. “Ma, tulungan na kita diyan,” ang bungad ko kay mama. Tumabi ako sa kaniya at niyapos ito. “Ay sus na bata. Dun ka nga. May ginagawa ako. Anong oras na, ha? Kayo talaga. Kapag kayo talagang magkakaibigan ang nagsasama parang kulang ang isang buong araw.” Napalabi na lang ako ngunit di ko pa rin inaalis ang mga brasong nakayakap sa kanya. “Ma, promise ko na sa malao’t sa madali ay di na kayo magbebenta ng kung ano-ano. Magbubuhay reyna na uli kayo. Ibabalik ko kung ano ang dapat sa inyo. Pangako ko yan." “Ay sus. Ayan ka na naman. Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na masaya na ako kung nasaan man tayo ngayon. Wag mo nang balikan ang nakaraan. Umusad na tayo at wag na silang isipin. Kuha mo ba?” Tumango na lang ako pero alam ko sa puso ko na hindi ganun kadaling gawin ang sinasabi ni mama. Hindi ganun kadaling kalimutan ang lahat. We don’t deserve to live this way. At higit sa lahat, my mother doesn’t deserve all the blame and pain her husband caused her. Tumayo na ako bago kung saan pa mapunta ang aming usapan. “Ma, iidlip lang ako saglit ha. Mamaya na ako kakain.” Tumango ito at bumalik na sa kaniyang ginagawa. Tumuloy na ako sa kuwarto. Isinet ang alarm clock at humiga na sa kama. Tumitig ako sa kisame. I know I can get my life back. I can get our money back. I know. I will make sure of that. SHIT! Late na naman ako sa klase. Palagi na lang. Hindi kasi talaga ako nagising ng alarm clock. Snooze lang palagi ang katapat ko. Napasarap ang tulog ko dahil sa hangover kagabi. Lagot talaga ako nito sa prof namin. Binilisan ko na ang pagbaybay sa kahabaan ng hallway ng building namin. Lakad-takbo na ang ginagawa ko. Kung hindi lang ako nakasuot ng heels ay malamang tumakbo na ako. Hindi ako pwedeng mahuli dahil ngayon ang orientation para sa last project namin. Itt will probably be about our upcoming internship. Required ang bawat graduating student na mag render ng three months sa kanilang napiling aplayan na particular establishment. Recommended ng university ang kanilang mga stakeholders pero nasa choice pa rin ng student kung saan niya pipiliing mag-intern. In return, ang heads ng napili nilang hotel in particular ang magbibigay sa kanila ng rating. Isang baitang nalang ng hagdanan ang kaniyang kailangang akyatin upang makarating sa 3rd floor kung nasaan ang kanilang classroom nang mabitawan at mahulog niya ang kaniyang bag. Napigtas  ang handle ng shoulder bag niya. Tuluyan na itong nalaglag hanggang sa kahuli-hulihang baitang kung kayat kailangan niya uling bumaba. Nanlulumong napatitig na lang ako sa paanan ng hagdanan. Wala nang lakas para bumaba pa. Hangos na hangos na siya. Kung di ka ba naman minamalas o. Sa dinami-rami ng araw na puwede akong suwertihin bakit di pa ngayon. Bababa na sana ako para kunin ang bag ng mahagip ko ng tingin ang isang lalaking naglalakad patungo sa bag ko. Pinulot niya ito at pagkatapos ay tumingala sa akin. A surprised look is written on his face. Nanigas naman ako sa kinatatayuan. Kahit anong pilit ko ay hindi ko maihiwalay ang tingin ko sa kanya. Of all places why here. Of all people why him. Natauhan lang ako ng mapagtanto kong nasa harapan ko na ang lalaki. Matiim siyang nakatitig sa akin. Those eyes. Snap out of it self, paalala ko sa sarili. Huminga ako ng malalim at nagbawi ng tingin. Napakalakas ng kabog ng puso ko at medyo nanlalamig rin ang kamay ko sa nerbiyos. Wala naman akong dapat katakutan. Fear is the least thing I should feel by now especially for him pero hindi ko pa rin makontrol ang reaksiyon ng katawan ko. Napabuntung-hininga ako at kaswal na tumingin uli sa lalaki. "Can I have my bag back?" tanong ko sa kaniya ng nakataas ang isang kilay. "A simple thank you wouldn't hurt," he said with the most baritone voice I have ever heard. Mas lalo ko pang itinaas ang kilay. "Di mo pa binibigay. Bat ako magpapasalamat?" pagtataray ko. He just smiled revealing his perfect set of white teeth. "There," iniabot nya sa'kin ang bag na kinuha ko kaagad sabay talikod. "Thank you," labas sa ilong kong pagpapasalamat. Dali dali na akong naglakad palayo. Ang lakas ng pintig ng aking puso. Hindi na ako magtataka kung bigla man itong lumabas sa rib cage ko. Mas binilisan ko pa ang paglalakad nang maramdaman kong umagapay ng lakad sa akin ang lalaki. Wala kaming kibuan habang pilit kaming nagpapaligsahan kung sino ang mauuna sa daanan. Sa wakas narating ko na ang aming classroom. Pipihitin ko nasa ang doorknob ng pintuan nang maunahan ako ng lalaki. Binuksan nito ang pinto at iminuwestra ito. "Ladies first." Hindi na ako kumibo at pumasok na lang. Lahat ng atensiyon ay napunta sa amin. Hindi talaga sa amin kundi sa kaniya lang. Sabagay, with his towering height and great physique plus his handsome face, mas magtataka ako kung hindi siya makakahakot ng tingin. Rinig ko ang tilian ng mga babae kong kaklase. Nagpatay-malisya na lang ako at bumaling sa prof namin para humingi ng pasensiya. Tumango lang ito at sinabihan akong maupo na. Bahagya kong sinulyapan ang lalaki na kinamayan ang prof ko. Unti-unti na akong nagkakaideya kung bakit nandito siya. "As you all know, kailangan niyong mag undergo ng practicum to comply with your final project. Prerequisite din ito para makakuha kayo ng requirements for graduation. Now the dean of this college decided na exclusive na lang muna sa mga stakeholders ng university ang application niyo for internship. In short, limited lang ang inyong choices for companies." Iminuwestra nito ang lalaki. "This is Jacques Huan, the head of the HR department of the Royal Hotel Residences which is the university's major stakeholder. He is here today for some announcements. Sir, the floor is yours." Bumalik sa pagkakaupo si Prof. Rivera at hinayaan ang lalaking magsalita sa harap. Mayroon nakong kutob sa mangyayari. I just never thought it would be this early. "Good afternoon everyone. As what Ms. Rivera has stated, I am Jacques Huan. As you all know, our company has a long-standing relationship with this university. We had hired many of the graduates here and I must say that we are quite impressed with their hardwork. That's why the board had come to an agreement na i-prioritize ang interns from this school specifically from this degree since forte and expertise naman ninyo ang line of business namin. We hope that you will choose us among other stakeholders. Thank you." Umugong ang bulungan pagkatapos magsalita ni Jacques. Everyone is exalted sa isiping makakapag-intern sila sa isa sa mga premier hotel sa bansa. We are lucky indeed. But I doubt it. Pinagmasdan ko ang lalaki habang nakikipag-usap siya sa aking mga kaklase na may mga katanungan. He must have sensed it kaya nag-angat ito ng tingin and caught my stares. Hindi ako nagbawi ng tingin. Nagtaas lang ako ng kilay. Well, two can play in this game. No one can underestimate me. Not this time. Tumayo na ako bitbit ang bag at nilapitan ang aming prof. Magalang akong nagtanong kung wala na bang further announcements. Sinabi naman niyang wala na kaya nagpaalam na ako if I can be dismissed early. Pinayagan naman niya ako. Tumalikod na ako and walked to the door not minding the looks Jacques is giving me. It's as if he wants to talk to me pero hindi makatiyempo dahil may mga kausap pa siya. Blessing in disguise para sa akin. Lumabas ako ng classroom at nagpakawala nang malalim na hininga. Pilit akong nagpakahinahon sa kabila ng dumadagundong na kaba sa dibdib. Why is he giving me that kind of look as if he missed me? Na para bang gusto niya akong makausap uli. Bakit, Jacques? Bakit ngayon ka lang bumalik? Bakit ngayon pa kung kailan wala ka ng puwang sa puso at buhay ko? Sorry but he lost his chance to talk to me five years ago. He's already five years late.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD