NAKATULOG na si Angela na hindi pa nakakausap ni Azrael. She must be in severe trauma, but it’s still questionable why Angela didn’t get any wounds. She has a few bruises. He thought it was because the bodyguards defended her. Pero bagsak lahat ng bodyguards, wala ring natira sa kalaban. O baka naman nagpanggap itong namatay kaya hindi na kinuha ng kalaban. Hindi siya mapakali at panay ang labas ng ward. Naghihintay siya sa pagbabalik ni Jerico na isa sa nag-imbestiga sa crime scene. Nag-request na rin sila ng CCTV footage na kuha sa harap ng condominium. Mayamaya ay bumalik si Jerico kasama ang dalawang pulis. “Ano’ng balita?” tanong niya. “Nakuha na po namin ang kopya ng CCTV footage ng condominium. Narito po sa phone ko,” ani Jerico. Binuksan nito ang video sa cellphone at pinanood

