HABANG pinaghahandaan ni Angela ang susunod na misyon ay napadalas din ang pagsama niya kay Azrael sa ahensiya. Napag-usapan na nila ang tungkol sa paghawak niya ng baril, at gusto nitong ma-enhance ang skills niya sa firing. Linggo ng umaga ay nagtungo sila sa firing range at nagsanay bumaril. Nagkunwari siya na hindi pa mahusay sa pag-asinta ng target. Pati posisyon niya sa pagbaril ay minamali niya. Tuloy ay nilapitan siya ni Azrael at itinama ang kaniyang posisyon. Pumuwesto ito sa kaniyang likuran habang inaayos ang mga kamay niya. “Don’t put pressure on your shoulders. Relax lang, para makuha mo ang tamang pag-asinta. Kasi kung may tensiyon sa muscles mo, bababa ito sa mga kamay mo kaya mawawala ka sa focus. Maliligaw ang bala mo,” turo nito. Nayakap na siya nito at ang mainit ni

