Chapter 16

2126 Words

MALALAKI ang hakbang na lumapit si Angela kay Azrael pero nilagpasan lang niya ito. Nagmamadali siyang pumasok ng silid. Pumasok na rin si Azrael at kinuha ang red wine sa may center table, sinalinan ang isang baso roon. “Bakit kasama mo ang lalaking ‘yon?” tanong nito sa matigas na tinig. “Sinong lalaki?” aniya. Hindi siya natuloy sa pagpasok ng kuwarto. “The guy in the shooting booth.” “Nakasabay ko lang siya sa elevator. Nahulog ang card ng suite at napulot niya at naihabol sa akin.” “Really?” Pumihit ito paharap sa kan’ya. “I’m not convince.” “Hindi ko na problema kung ayaw mong maniwala.” Tuluyan siyang pumasok ng kuwarto at nahiga sa kama. Mayamaya rin ay pumasok si Azrael, kamuntik pang mabunggo ang lamesa sa gilid ng pintuan. Namumula ang mukha nito, halatang nakarami ng ino

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD