KINUHA na ng rescue team ng resort ang sugatang binatilyo at pinabalik na ang iba pa sa resort. Hindi naman magawang kausapin ni Angela si Azrael na tila nasa shocked stage pa. Hindi siya sigurado kung gaano na ito katagal nakarating sa restricted area pero tila nasaksihan nito ang pangyayari. Dahil sa insidente ay hindi na sila umabot ng hapon sa isla. Bumalik din sila ng yate dahil naghigpit ang tagapag-alaga ng isla. “What came in your mind to follow those stupid youths?” kastigo sa kan’ya ni Azrael. Nakaupo na sila magkatapat sa lamesa at nagmimeryenda. “I sensed their suspicious activities. They headed to the prohibited way,” aniya. Humigop siya ng sabaw ng spicy seafood noodles. “I saw what you had done.” Sinipat lang niya ito. “And what’s wrong with it?” Itinukod ni Azrael ang

