“HE is Calyx Gilban, thirty-two years old, and lives in South Korea. His mother was Korean, and his father was a Japanese-Filipino,” pakilala ni Iruka sa lalaki. Shocked pa ring nakatitig si Angela sa lalaki. Hindi nga nagkamali ang hinala niya na maaring may koneksiyon ang lalaki sa organisasyon nila dahil sa pamilyar na spy watch na suot nito. And she thought about the idea that Calyx was the spy sent by Iruka to monitor her movement. She needs to confirm it first. Ibinalik niya ang atenisyon sa boss na patuloy ang pagpapakilala kay Calyx. Lumapit na rin si Calyx at umupo sa couch malapit sa bintana. Nagdikuwatro ito at diretso ang titig sa kan’ya. He just wore black denim pants and gray fitted T-shirt. Nagbigay na ng paunang bayad si Iruka kaya hindi na sila maaring uurong. Buo ang t

