“ANGELA, are you done?” tanong ni Calyx buhat sa kabilang linya. “I-I’m done. I’m going out,” sagot niya pero hindi pa siya nakaalis sa puwesto. Mayamaya ay biglang may babaeng tumili. Nabulabog na ang mga tao. Lumingon siya sa puwesto ng kaniyang target. Nilapitan na ito ng bodyguards at naging alerto ang mga tao. “Angela, people noticed the target’s lifeless body!” ani Calyx. “I know,” aniya. Nagmamadali siyang naglakad upang hindi maabutan ng lockdown. Ngunit kung kailan malapit na siya sa pintuan ay bumalya siya sa katawan ng lalaking tumatakbo. Napaatras siya at natigilan nang makaharap si Azrael, na siyang bumangga sa kan’ya. Huminto rin ito at paulit-ulit na yumukod sa kan’ya. “Sorry,” sabi lang nito. Sandali pang nagtama ang titig nila ng kaniyang asawa ngunit kaagad siyang

