CHAPTER 3

2357 Words
Dylan POV “Good evening, Sir Dylan!” bati ng katulong nang salubungin niya ako habang papasok ako sa mansyon. Ngumiti ako. “Good evening! Nandiyan ba si Daddy?” tanong ko. Tumango siya. “Kadarating lang niya.” “Sige, salamat.” Bumuntong-hininga ako habang naglalakad patungo sa kwarto ng mga magulang ko. Tatlong araw na wala si Daddy. Siguradong marami siyang itatanong sa akin. Dahan-dahan akong kumatok sa pinto. Ilang sandali lang, binuksan ni Mommy. “Dylan, anak!” masayang bati ni Mommy. Ngumiti ako. “Hello, Mom!” Lumapit ako para yakapin siya. “Puntahan mo na ang Daddy mo,” sabi niya. Pagpasok ko, nakita ko si Daddy na nakahiga habang nanonood ng pelikula. “Welcome back, Dad!” bati ko. Lumingon siya sa akin at ngumiti. “Dylan, kumusta ka na?” Lumapit ako para yakapin siya. “I’m good.” Biglang kumunot ang kanyang noo. “Anong nangyari diyan sa noo mo?” Naalala ko agad ang babaeng scholar na hinampas ako ng bato kanina. Kung hindi ko nailagan iyon, baka butas na ang noo ko ngayon. “Dylan, tinatanong kita,” ulit ni Daddy. “Wala ito, Dad. Natamaan lang ng bola kanina habang naglalaro kami ng basketball,” pagsisinungaling ko. “Nagpatingin ka na ba sa doktor?” “Dad, malayo naman ito sa bituka.” “Okay, pero kapag nakaramdam ka ng pananakit ng ulo, dumiretso ka agad sa ospital.” “Yes, Dad.” “Kumusta pala ang programa natin sa scholarship?” tanong niya. Sumimangot ako. “Bakit ba kailangan nating tulungan ang mga mahihirap para makapag-aral sa SPIA? Alam n’yo naman na mahal mag-aral doon,” sabi ko nang may inis. Hindi ko talaga gusto ang ideya na may mga scholar sa SPIA. Para sa akin, karamihan sa kanila ay may masamang ugali—katulad ng babaeng iyon kanina. “Baka nakakalimutan mo, galing sa hirap ang mommy mo,” madiing sagot ni Daddy. Yumuko ako. “I’m sorry, Mom.” Sa angkan namin, ayaw nilang iniinsulto ang mahihirap dahil ang ilan sa kanila ay nagmula rin sa hirap. Kaya naman malapit ang puso nila sa pagtulong. Bukod sa scholarship, may libreng check-up din sa ospital na pag-aari ng Tita ko, pati na rin feeding program para sa mga bata. Kung tutuusin, puwede nang tumakbo sa gobyerno ang angkan namin dahil kilala sila bilang matulungin, pero mas gusto nilang tumulong nang walang katungkulan. “It’s okay, son,” sabi ni Mommy. “Ilan ang nag-exam na scholar kanina?” tanong ni Daddy. “Two thousand fifty-eight,” sagot ko. “Kailangan pa nating i-extend ang scholarship exam next week para mas maraming kabataan ang makapasok sa SPIA,” sabi niya. “Dad, baka mapuno ng mga scholar ang school natin?” pagtutol ko. “Baka umalis ang mga estudyanteng kayang magbayad ng tuition fee dahil sa dami ng scholar.” “Hmm… pag-iisipan ko. Anyway, pupunta ako bukas sa bahay nina Lola at Lolo para pag-usapan ang suhestiyon mo.” “Thank you, Dad.” “Kumusta naman ang grades mo?” tanong niya. “Okay naman. Next month ay magmamartsa na ako.” “Mabuti naman. Pagkatapos, magtatrabaho ka na ba o mag-aaral pa ulit?” Natapos ko na kasi ang two-year course ko ngayong taon. Sa totoo lang, puwede na akong tumulong sa negosyo, pero si Ashley ay magti-take ng ibang kurso. Kailangan ko siyang sundan—hindi puwedeng maghiwalay kami nang hindi pa siya nagiging girlfriend ko. “Balak kong mag-take ng four-year course,” sagot ko. “Pagbibigyan kita, pero kailangan mong pag-aralan ang pagpapatakbo ng negosyo. Huwag puro barkada at babae ang inaatupag mo.” Umiwas ako ng tingin. “Hindi naman, Dad.” “Kilala kita. Dugo ko ang dumadaloy sa’yo kaya alam ko ang mga galawan mo.” “So, babaero ka pala noon?” pabirong tanong ko. Tumango siya. “Nasa dugo na natin ‘yan.” “I see. Kawawa naman pala si Mommy noon.” “Anak, habulin man ng mga babae ang Daddy mo, naging loyal naman siya sa akin," wika ni Mommy. “How did you know?” tanong ko kay Mommy. “Hindi kami magtatagal kung hindi siya loyal sa akin,” sagot ni Mommy. Nagkibit-balikat ako. “Okay.” “Dylan, iba na ang panahon ngayon. Mas mabilis kumalat ang HIV. Iwasan mo ang pakikipagtalik kung wala kang proteksyon.” “Dad, hindi ako katulad ng iniisip mo.” “Pinapaalala ko lang sa’yo.” “Thank you.” Tumayo ako. “Dad, pupunta na ako sa kuwarto ko.” Tumango siya bilang tugon. “Dylan, bumaba ka mamaya kapag oras na ng pagkain,” wika ni Mommy. “Yes, Mom.” Pagdating ko sa kuwarto, binuksan ko ang computer at nagsimulang maglaro ng online games. Ito na ang palagi kong ginagawa kapag nasa bahay. Habang naglalaro, biglang tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko ang tawag. “Hey!” bati ko. “Dude, where are you?” tanong ni Andrei. “I’m in my room, playing. Why?” “Come to Arristokrata Bar later. You’ll definitely enjoy it.” “Dad is home. I can’t leave.” “Seriously? You don’t want to? Ashley’s coming with us later.” Bigla akong natigil sa paglalaro. “Kasama n’yo si Ashley?” Tumawa si Andrei. “Oo. Siya pa nga ang nagyaya na pumunta sa bar. Bakasyon naman daw, kaya dapat mag-enjoy tayo. Sabi namin sa Arristokrata Bar na lang para kahit malasing tayo, safe pa rin.” “I’ll try to come later.” “Okay, dude.” “Are you sure Ashley will be there?” tanong ko ulit para makasigurado. “Mukha ba akong nagsisinungaling?” “Gusto ko lang makasiguro. Mahirap magpaalam kay Daddy lalo na’t kakauwi lang niya galing business trip.” “Sabihin mo na lang na sa bar ni Tito Clarence Miguel tayo pupunta.” “Sige, sasabihin ko.” “Okay, bye!” sabay putol niya ng tawag. Ipinagpatuloy ko ang paglalaro hanggang sa tawagin ako ng katulong para maghapunan. Pagdating ko sa hapag-kainan, natanaw ko na ang mga magulang ko at ang bunso kong kapatid na si Dyroth William. “Dylan, umupo ka na para makapagsimula na tayo,” wika ni Mommy. Pang-asar na tumingin sa akin si Dyroth. “Dad, alam n’yo ba si Kuya, madaling araw na umuuwi.” “Shut up, William!” sagot ko. Hindi ko siya tinatawag sa unang pangalan niya dahil alam kong ayaw niya iyon—at iyon ang paborito kong gawin para inisin siya. “Dyroth, mamaya ka na magsumbong sa Daddy mo kapag tapos na tayong kumain,” mahinahong sabi ni Mommy. “I’m sorry,” sagot niya sabay yuko. Buti na lang at mabilis makinig si Dyroth kay Mommy. Nagsimula na kaming kumain. “Dad, gusto ko sanang magpaalam sa inyo,” sabi ko habang nasa kalagitnaan ng pagkain. “Ano ‘yon?” tanong ni Daddy. “Andrei invited me to go to Arristokrata Bar later. I’d like to join them since it’s school break.” “Dad, don’t let Kuya Dylan go. He goes out almost every day!” singit ni William. Napakuyom ang mga kamao ko habang nakatingin sa kanya, pero hindi siya natinag. Malakas ang loob niya dahil nasa tabi namin si Daddy. Humanda ka talaga sa akin, bubwit ka! “You heard what your brother said, right?” tanong ni Daddy. “Dad, hindi totoo ang sinabi niya,” sagot ko. “Sinong nagsasabi ng totoo?” balik ni Daddy. Yumuko ako. “Okay, tama si William, pero hindi ko naman pinababayaan ang mga responsibilidad ko.” “Love, our eldest is old enough. Let him enjoy being young,” sabat ni Mommy. Salamat kay Mommy, lagi niyang pinapakalma si Daddy kapag medyo napupuno na siya sa akin. Bumuntong-hininga si Daddy. “Sige, papayagan kita, pero kailangan alas-dose ng madaling araw, nasa bahay ka na.” “Dad, puwede naman akong matulog sa bar. May kuwarto naman doon.” Bahagyang tumaas ang kilay ni Daddy. “Susundin mo ang gusto ko o hindi ka pupunta sa bar?” “Susunod ako. Thank you, Dad.” Labag man sa kalooban ko, sumunod na lang ako. Kaysa hindi ko makasama si Ashley mamaya. Binilisan ko ang pagkain para makapag-asikaso na. Tinawagan ko rin si Andrei para sabihing alas-sais pa lang, dapat nasa Arristokrata Bar na kami. Dahil asawa ng Tita Jhoace ko ang may-ari, anytime puwede kaming pumunta. “Ingat ka, anak,” wika ni Mommy nang magpaalam ako. “Thank you, Mom.” Sumakay ako sa aking Supra Mk5 at pinaharurot ito palayo. Five minutes before six in the evening, I arrived at Aristokrata Bar. Upon arrival, I noticed the cars of Andrei, Blake, and Dice. “Tss! Mas nauna pa sa akin. Mukha talagang alak ang mga gungong,” bulong ko sa sarili. Pagpasok ko sa loob, sinalubong ako ng isang staff ng bar. “Sir, nandoon po ang mga kasama n’yo,” magalang na sabi ng lalaking staff. He escorted me to the VIP room—a spacious area where no one could disturb us. It was extremely cold inside, had its own music, but you could turn it off if you wanted to hear the live band outside. It wasn’t boring either since you could still see the people in the bar through the double-glass walls. You could see outside, but they couldn’t see inside “Dylan!” Nakangiting bati ni Andrei. Napansin kong nagsimula na silang uminom ng alak. Umupo ako sa tabi nila. “Nasaan si Ashley?” tanong ko. Tinapik ako ni Dice sa balikat. “Dude, don’t worry. She’s coming. Let’s just enjoy ourselves while waiting.” Sinalinan niya ang baso ko ng alak. “Dylan, what happened to your forehead?” tanong ni Blake. Napabuntong-hininga ako at sumimangot. Naalala ko ang nangyari kanina. “A scholar hit me on the forehead earlier,” sagot ko. Sumeryoso sila. “Sino? Taga-saan? Ano’ng ginawa nila?” tanong ni Andrei. “Gusto mo, balikan natin?” sabad ni Dice. Tumungga muna ako bago sumagot. “Relax. Babae ang tinutukoy kong scholar.” “Oh? Pumapatol ka na ngayon sa scholar? Akala ko ba kay Ashley ka lang?” usisa ni Andrei. “Akala ng babaeng scholar, may masama akong ginagawa kay Ashley. Nakita kasi niyang nakatayo kami sa gilid ng building sa school. Hahalikan ko sana si Ashley, pero biglang sumulpot ang babae at hinampas ako sa ulo. Mabuti na lang, naharang ko ng kamay ko. Hindi masyadong malala ang tama, pero kung hindi ko nasangga, baka nasa ER na ako ngayon.” Tumawa si Blake. “Bakit naman kasi sa public place mo gustong halikan si Ashley? Puwede namang sa kotse.” “You know Ashley doesn’t want to talk to me. She’s still mad at me,” sagot ko. “Pasalamat ka na lang at hindi pumutok ang ulo mo,” sabi ni Andrei. “Kapag pumasa ang babaeng ‘yon, mananagot siya sa akin. Sisiguraduhin kong pagsisisihan niyang pumasok siya sa SPIA.” “Dude, ang laki ng SPIA. Alam mo ba ang pangalan niya o anong year na siya?” tanong ni Dice. Umiling ako. “Magiging maayos na sana kami ni Ashley kung hindi nakialam ang babaeng ‘yon,” sagot ko, sabay sumimangot. “Kung ako sa'yo, magpapalit na ako ng liligawan. Hindi ka naman pangit para maghabol sa isang babae," wika ni Blake. “Tama si Blake," wika ni Dice. “Pero siya ng gusto ko simula noong mga bata pa kami.” “Ang tanong? gusto ka ba niya?" wika ni Andrei. “Maybe," tugon ko. “Uminom na nga lang tayo bago bumaha ng luha ni Dylan dito," biro ni Andrei. “Cheers!" sabay-sabay namin sabi. *** Tatlong oras na ang lumipas, pero hindi pa rin dumarating si Ashley. Marami na rin kaming nainom kaya medyo makulit na ang mga kasama. “Hindi ba darating si Ashley?” tanong ko. Tumingin si Andrei sa cellphone niya. “Nandito na pala sila.” “Sila? May kasama si Ashley?” tanong ni Blake. “Baka kaibigan niyang babae ang kasama. Maganda nga para may partner tayo,” sabi ni Dice. Pagkalipas ng tatlong minuto, dumating si Ashley—kasama ang isang lalaki. Biglang nasira ang mood ko. “Hello, boys!” bati ni Ashley. “Hey, who’s that with you?” tanong ni Blake. Napansin kong nakahawak si Ashley sa braso ng lalaki. “This is Luther, my boyfriend,” wika ni Ashley. Parang sinaksak ang puso ko nang marinig iyon. Hindi naman guwapo ang lalaki. “May boyfriend ka na pala. Congrats!” wika ni Andrei. Tahimik lang ako habang tuloy-tuloy sa pag-inom ng alak. Wala akong karapatang manuntok, pero ramdam ko ang selos. “Dylan, bakit ang tahimik mo?” tanong ni Andrei, may halong pang-aasar. Tinitigan ko siya ng masama. “It’s none of your fuckin’ business,” sagot ko nang inis. Tumawa lang siya. “Chill ka lang!” Tumayo ako at lumapit kay Ashley. “Ashley, can we talk?” “Sure.” Tumayo siya at lumipat kami sa kabilang mesa sa loob ng VIP room. “Anong pag-uusapan natin?” tanong niya. “Bakit hindi mo sinabi na may boyfriend ka na?” “Bakit ko naman sasabihin sa’yo? Magulang ba kita?” sagot niya. “Ashley, alam mong gusto kita.” Pang-asar siyang tumawa. “Gusto mo akong gawing trophy?” “Hindi 'yan totoo.” “Huwag kang magsinungaling. Nakikita ng mga mata ko ang mga babae na lumalapit sa'yo. nakakausap ko rin ang iba sa kanila na ginawa mong fling. Ayokong maging katulad nila kaya tigilan mo ako.” “Ashley, hindi ko gustong lapitan ako ng mga babae. Ikaw lang ang gusto ko.” "Playboy ka, Dylan. Alam kong ikaw ang dahilan ng sakit ng ulo ng ibang babae. Kaya puwede ba, tumigil ka na?” Tumayo siya at bumalik sa tabi ng boyfriend niya. “Ashley, wait!” “Move on, Dylan!” sabi niya. “Son of a b***h!” Napamura ako bago tuluyang lumabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD