Matapos silang kumain at nailigpit ng waiter ang pinagkainan nila. Lumapit naman ang isang lalake na naka itim may bitbit na wine at dalawang baso para sa kanila ni Gael. "Congratulations" bati ng lalake sa kanila, matapos mailapag ang wine. Wala syang idea sa mga wine pero nakakasigurado syang hindi lang basta- basta wine ang nasa harapan nila ni Gael ngayon. Alam n'yang kung itatanong nya ang presyo kay Gael ay malulula s'ya. "Let's drink" yaya ni Gael at sinalinan ang baso n'ya. "Hindi naman ako umiinom" "Don't worry hindi ka malalasing rito" sagot ni Gael. Alanganin s'yang ngumiti. Susubukan n'ya para naman malaman n'ya kung ano ang lasa ng wine. "Let's celebrate this night Anya," sabi ni Gael sa kanya. "Anong okasyon?" Nagtatakang tanong n'ya. "This," sagot ni Gael at inilaba