Sinamahan s'ya ni Gael sa barangay kung saan dinala ang kapatid n'ya. Nang tawagan s'ya ng T'yang Daisy n'ya ay sinabing nakipag away si Ariel sa loob ng subdivision kung saan sila nakatira. At dahil sinuntok daw ng kapatid ang kaaway kaya umabot ang kapatid sa barangay. "T'yang, Ariel." Nang makapasok sa loob ng barangay hall, kasunod si Gael. "Ano po'ng nangyari?" Tanong n'ya sa tiyahin. Nakayuko ang ulo ng kapatid ng lininunin n'ya. Nakaupo naman sa kabilang upuan ang binatilyo na marahil ka edad lang din ni Ariel at isang may edad na babae, baka nanay ng binatilyo. Napansin n'yang nalipat ang atensyon ng mga tao roon kay Gael na nakatayo sa tabi n'ya. Marahil nakilala ng mga ito si Gael bilang isang Saavedra. "Ano po ba ang nangyari?" Tanong ni Gael sa kapitan ng barangay. Pinali