Matulin na lumipas ang mga araw. Naging abala s'ya sa trabaho sa ospital. Marami kasi sa mga katrabaho n'ya ang nagsasabi kaya nakapasok s'ya sa Saavedra Santillan Hospital ay dahil kay Gael, dahil nobyo n'ya ang may-ari ng ospital. Kaya nais n'yang ipakita ang galing n'ya, na kahit wala si Gael kaya n'yang makapasok sa ospital. Matalino s'ya at magaling pagdating sa trabaho. Walang doktor na nagsasabi hindi s'ya magaling sa trabaho. Dahil talaga namang ginagalingan n'ya. Hatid sundo s'ya ni Gael sa trabaho. At kung mag over time s'ya hinihintay s'ya ni Gael. At kung si Gael naman ang may late meeting hinihintay n'ya ito sa opisina nito, gaya ng ng utos nito. Isa pa matapos ang insedenteng nakita s'ya ni Gael kasama ni Dylan ay iniwasan na n'ya muna si Dylan. Hindi kasi s'ya sigurado kung