Tila itinulos ang mga paa ni Eva sa kanyang kinatatayuan ng masilayan niya si Audrix ng samahan siya ng ina nito patungo sa silid nito. Isang lalaking halos buto't balat na ang nakahiga sa kama, Nakahubad ito pero nakasuot ito ng diaper. Tila wala itong kalakas-lakas, may napansin siyang mga bukol sa ilang parte ng katawan nito katulad sa may dibdib sa may balikat at sa may noo. Sunod-sunod ang kanyang pag-iling hanggang sa bumagsak na lamang ng kusa ang luha sa kanyang mga mata. Tumingin siya sa ina ni Audrix, nagtatanong ang kanyang mga mata dito pero walang lumalabas na kahit na anong salita mula sa kanyang bibig. Tila wala siyang may isip na sasabihin sa ginang basta pumapatak lamang ang kanyang luha habang palipat-lipat ang tingin dito at tingin sa lalaking nakahiga sa kama. Mu