Muling lumakas ang sigawan ng mga audience nang magsimula na ang laro. Nanatili naman akong nakaupo sa isang sulok habang nakapiring at napalahawak sa aking sumasakit na tiyan; habang tumatagal ay parang pasakit nang pasakit. Hindi ko na maintindihan ang sakit, parang hindi na ako makapag-isip pa ng tama. Oo, sumasakit din naman ang tiyan ko paminsan-minsan kapag may regla ako, pero hindi naman ganito kasakit na para akong mamamatay na, as in sobrang sakit. “Nightmare King! Nightmare King!” malakas na sigawan ng mga audience. Kanina-kanina lang ay iba't-ibang codename ang kanilang sinisigaw, pero habang tumatagal ay parang nagiging codename na ni Oliver ang kanilang. Mas malakas ang sigawan ng mga nanonood ngayon kumpara sa laban kanina. And I know, kapag malakas ang sigawan ay madugo an