I WOKE UP IN THE HOSPITAL, pero paggising ko ay hindi si Oliver ang bumungad sa akin kundi ang kanyang tauhan na si Anica na nakaupo sa sulok ng room habang nakahalukipkip. “Mabuti naman at gising ka na,” pairap nitong sabi nang makita ang pagmulat ko. Marahan naman akong bumangon. Kahit papaano ay hindi na masakit ang tiyan ko, pero ramdam ko pa rin ang panghihina ng katawan ko. “Where's Oliver?” tanong ko at nilibot pa ang tingin sa loob ng private room. “Nasa labas, may inaasikaso lang. Kung okay ka na, pwes bumangon ka na riyan. Huwag ka masyadong pabigat kay boss, puro problema na lang ang dala mo sa kanya!” masungit na sagot sa akin ni Anica sabay tayo at mabilis na lumabas ng room. “Tsk. Ang taray, akala mo naman siya ang asawa,” hindi ko mapigilan bulong at napairap na lang. N