MATAPOS akong iuwi ni Oliver sa kanyang mansion ay umalis din agad ito, hindi ko alam kung saan ang punta pero ibinilin naman ako sa kanyang mga katulong na pagsilbihan at alagaan. And now it's been four days, apat na araw ko na siyang hindi nakikita at nakakausap, dahil magpahanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik. Ibinili naman niya ako ng bagong phone bago siya umalis, pero hindi naman niya ako tinawagan, o kahit isang text man lang, wala. “Ma'am, hindi niyo po ba nagustuhan ang mga pagkaing nakahanda? Puwede po namin kayo ipagluto ng gusto niyo, sabihin niyo lang sa amin kung ano,” wika ng katulong sa akin nang mapansin na pinaglalaruan ko lang ng kubyertos ang pagkain sa plato ko. Kasalukuyan akong kumakain ngayon ng dinner nang mag-isa lang dito sa dining table. Marami namang p