11 Months Later “Ate, 1 PM ang appointment ko kay doc. Anong oras ba ang alis natin? Magbihis ka na kaya?” wika ng kapatid kong si Aya habang nakahalukipkip at mula kanina pa patingin-tingin sa suot nitong wristwatch. “Mamaya na, kita mong wala pa si Manang; walang magbabantay kay baby,” sagot ko habang karga sa aking bisig ang anak kong napapahikab na. Kakatapos lang nitong dumidede kaya inaantok na naman. Talagang napakamaantukin ng batang ito. “Don't worry, beshy, ako na muna ang magbabantay kay baby habang wala pa si Manang.” Napatingin naman ako sa kaibigan kong si Mia na kakalabas lang ng kusina habang may dalang isang baso ng umuusok na kape. Pagkaupo nito ay agad na nilapag sa ibabaw ng table ang dalang kape at naupo sa couch sa tabi ko. “Akin na si baby, ako na ang bahala sa