Ayshelle's POV Hanggang sa nakalabas kami ni Aya ng clinic ay hindi mawala-wala sa isip ko ang sinabi ng babae kanina. Buntis kaya ako nung mga panahong 'yun? Kaya ba ako dinugo ng gano'n at namilipit sa sakit ng tiyan dahil nakunan ako? Pero napaka-impossible naman na mabuntis ako that time. Hindi ko naman nakakaligtaan uminom ng pills na bigay ni Oliver para lang masiguro na hindi ako mabuntis kahit makailang beses niya akong gamitin. Nakalimutan ko lang uminom nung pinalaya na niya ako, dahil akala ko ay hindi ako mabubuntis sa isang beses lang, pero mali pala ako dahil namalayan ko na lang na buntis na pala ako ng dalawang buwan. Kaya naman ang balak ko sanang pagpatuloy sa pag-aaral ay itinigil ko na lang, dahil ayoko naman ipalaglag ang anak ko. At ngayon ay hindi naman ako nagsisi