Hera Nyx Taevas Napatingin ako sa aking likuran ng may kumalabit sa akin. Pagkita ko nga sa kaniya ay ipinakita ang dalang kape at maganda ang ngiti. “Good morning,” bati ni Romeo sa akin. “Coffee pampagising sa natutulog mong damdamin. Char!” Napangiti na lang din ako. ‘Ang dami niya kasing mga nakakatuwa at pampa goodvibes na mga hugot.’ Kinuha ko ang kape at nagpasalamat. “Thank you!” saad ko. “Maaga ka ata ngayon?” tanong ko. “Hindi ba’t mamayang afternoon pa ang flight mo?” “Naks! Updated ka pa la sa schedule ko ha?!” biro niya. “Bakit? Gusto mo ba malaman kung kailan ang free time ko?” natatawa niyang sabi. “Pwede mo naman akong tanungin. Willing akong ibigay sa iyo, pati ang puso ko.” Inirapan ko siya, “Ikaw talaga, ang dami mong hugot!” tugon ko. “Hindi, no! Tiningnan ko ka