Hera Nyx Taevas “Stop!” malumanay kong sabi. Pati ang kamay ko ay inunat ko para lang pigilan siya sa kaniyang paglapit. “Bakit ba iwas na iwas ka sa akin? Hindi ba pwede maging normal o natural lang ang lahat?” tanong niya. “Hindi naman kita minamadali, pero sana huwag mo naman akong layuan. Kasi nasasaktan ako!” “Normal?” balik kong tanong sa kaniya. “Imposible na sa ating dalawa ang lahat, Aleric. Please, huwag mo ng guluhin ang sitwasyon nating dalawa dahil hindi na pwede!” paliwanag ko. “Aleric, I already gave-up on you. At alam mo ang dahilan kung bakit. Magulo na ang pamilya ko at ayaw ko ng mas maging magulo pa iyon dahil lang sa iyo.” Tinalikuran ko siya at naglakad papunta sa elevator. ‘Nakalimutan ko ang coin purse ko sa upuan kanina ng hindi ko namamalayan kaya’t babalikan