Derek & Captain Chan “Sira pala talaga iyon?” tanong ni Chan kay Derek. May pagtataka sa kaniyang mukha. “Napulot ko kasi iyong warning sign sa lapag. E nagamit ko pa nga iyon kanina paakyat dito sa floor. Kaya hindi ko alam na sira talaga siya,” paliwanag niya. Napahimas si Derek sa kaniyang baba, “Talagang tadhana na ang gumagawa ng paraan para magkalapit silang dalawa,” sabi niya. Dahil walang alam si Chan sa nangyayari ay mas naging curious siya kaya’t hindi niya napigilang magtanong, “Ano ba talaga ang relasyon nilang dalawa?” tanong niya. “Naging sila ba?” usisa niya. Sinamaan ni Derek si Chan pero hindi napigilan magsalita, “Oo. Kaya lang naghiwalay silang dalawa,” kwento niya. “Kahit kanino huwag mong sasabihin iyan, ha? Kung hindi lagot ka talaga kay President,” banta niya. “