Aleric Zeus Marcet “Hera!!!” sambit ko sa kaniyang pangalan. Hindi ko napigilan mapaiyak sa sobrang pagkabigla, lungkot at iba pang halo-halong emosyon dahil sa nangyari. Pakiramdam ko ay unti-unti akong nalalagutan ng hininga. ‘Kailangan may gawin ako. Kailangan maligtas ko sila.’ Pasugod na ako sa bahay ng may pumigil sa akin. Hindi ko na siya nagawang tingnan dahil blangko ang aking isipan. Dahil ang gusto ko na lang ay maligtas ang aking mag-ina. “Bitawan mo ako!” saad ko sa kaniya. “Kailangan kong iligtas ang mag-ina ko.” “Sir, ligtas po si Ma’am Hera!” bulalas ng lalaki. Nang marinig ko ang kaniyang sinabi ay napunta sa kaniya ang aking atensyon. Tinitigan ko siya ng mabuti at nakilala ko na isa iyon sa mga tauhan ni Tito Marvin. “Sir Aleric, mas mabuti kung aalis na tayo nga