Chapter 56

3674 Words

Lord Tamayo Binisita ko ang mga tauhan ni Fernando sa hide-out upang personal na makasagap ng ilang balita sa kanila. Alam kong walang limitasyon ang kanilang nalalaman. Dahil hindi pa ako gumagamit ng matinding dahas ay wala silang balak magsalita lalo na kung kapakanan ng grupo ang nakataya. “Boss, tumatawag si DeckLuck!” saad ng tauhan ko. Pinakita niya sa akin ang screen ng cellphone. ‘Si DeckLuck ang nagbibigay ng mga utos sa kanila.’ Sinasabi nga nila na si DeckLuck ay ang kanang kamay ni Fernando. Ito rin ang susunod na tatayong Leader ng kanilang grupo. Agad na pumwesto ang tauhan ko sa tabi ng tauhan ni Lao. Tinutukan niya muna ito ng baril upang hindi makapagsalita ng mali o ng kahit anuman detalye. “Siguraduhin mong wala kang sasabihin,” paalala pa sa kaniya ng aking tauhan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD