Hera Nyx Taevas
“Sumama ka na!” pangungulit sa akin ni Rachel. “May meeting si Aleric kaya siguradong hindi siya kasama ni Derek.”
“Ayoko!” usal ko. “Sinabi niya lang iyon, pero nagsisinungaling siya,” dugtong kong sabi. “Ginawa na nila noon iyan. Hindi ba’t kakuntiyaba ka rin nila. Kaya hindi niyo na ako mauuto. ‘Di niyo ko mapapapayag!”
“Sige na!" pagmamakaawa niya. “Hindi na namin uulitin iyon,” kumpirma niya. “Ganito na lang! Sumama ka sa akin, pero pagpasok sa loob maghiwalay tayong dalawa. Kung gusto mo magmasid-masid ka muna para masigurado mo na hindi kami nagsisinungaling.” Niyugyog niya ako at hindi tumigil sa pangungulit. “Sige na! Wala akong kasama, e! Baka kung ano pa ang gawin sa akin ni Derek.”
Lumingon ako sa kaniya, “Ano naman? E ginawa niyo na rin naman iyon noon. Ngayon ka pa ba magiging conservative sa sarili mo? At saka bakit ba pumayag ka na lumabas kasama si Derek? Hindi ba’t may boyfriend ka na? Iyong bagong piloto? Ano na nga ang pangalan ‘nun?”
Huminga siya ng malalim, “Huwag mo ng banggitin ang hinayupak na lalaking iyon. May girlfriend na pala at isa sa flight attendants natin.”
“See!” tipid kong sagot. “‘San ba iyan?” tanong ko.
“Sa Nyx Bar Hub,” sagot niya. “Okay na sa akin ang location kasi kaibigan naman natin ang owner.”
“Papayag ako, sa isang kondisyon!” saad ko. “Sasamahan kita pero magkaiba tayo ng table. Bahala kayo ni Derek mag date dalawa, at ide-date ko naman ang sarili ko.”
“Naku! Gusto mo lang makalibre. Maglulunga ka na naman sa private booth ni Nick tapos libre pa inumin at kakainin mo. Galing mo talaga!”
“Ganun talaga! Alangan naman kayo lang dalawa ang masaya,” saad ko.
Tumayo ako sa kama at nagtungo na sa banyo.
“Bilisan mo, ha!” pahabol niyang sabi.
“Oo na! Atat na atat?!”
“‘Di naman,” nakangiti niyang sabi. “Excited lang, hehe.”
Madalang kaming lumabas ni Rachel pero hindi naman ako gan’on ka KJ. Paminsan-minsan ay kailangan din natin magliwaliw at mag relax. Kaya nga tayo nagta-trabaho para magpaka-sarap sa buhay. Kailangan din natin enjoyin ang pinaghihirapan nating pera.
Habang namimili ng susuotin sa aking drawer ay iniisip ko na kung anong magandang combination ng damit ang aking susuotin. ‘Dahil bar ang pupuntahan ay hindi naman ako magpapaka manang.’ Kailangan din naman natin mag-ayos kahit papaano. ‘Sa simple at eleganteng paraan. Tama lang para ‘di nakakabastos sa paningin ng iba.’
Ngumiti ako ng makita ang black tank top. Kinuha ko iyon at pinarisan ko ng ripped jeans. ‘Tamang-tamang kapares ng paborito kong sneakers na sapatos.’ Nang makita sa salamin ang overall outfit ko ay satisfied naman ako sa itsura ng aking sarili.
Nag-apply ako ng make-up kaunting make-up sa mukha upang hindi naman halata ang haggard kong itsura. Nagsuot din ako ng ilang burloloy sa katawan katulad ng set earrings at necklace.
“Babe?” tawag ni Rachel. “Tara na! Naroon na si Derek,” sabi niya.
“Ito na!” usal ko.
Binilisan ko na ang pagsusuot ng sapatos dahil inip na inip na siya.
“Tara na!”
Inikutan niya ako at tinitingnan ang aking suot.
“Ikaw ba yan, Captain Taevas?” tanong niya. “Gosh! You are so sexy.”
“Tumigil ka na nga riyan. Hindi ba’t nagmamadali ka? Tara na! Nakakahiya naman sa ka-date mo.”
Kinalawit niya ang kamay sa akin at ginaya na ako palabas ng unit.
“Let’s go!” hiyaw niya.
Sasakyan ko ang ginamit namin ni Rachel dahil coding ang sasakyan niya. Ilang minutes away lang naman ang bar sa hotel kaya’t mabilis lang din kami nakarating sa area.
Pagpasok sa loob ay naghiwalay na kami ni Rachel. Hinanap niya si Derek at ako naman ay nagmamasid-masid sa paligid. Habang naghihintay sa isang madilim na sulok ng bar ay tyempo naman dumaan ang isa sa manager na nakilala ko at naging kaibigan ko na rin.
“Ma’am Nyx? Is that you?” tanong ni Vic sa akin. “Wait alam ba ni Sir Nick na nandito ko? Teka tatawagin ko lang.”
Ngumiti na lang ako, “Sure!” tugon ko. “Teka nasaan ba siya?” tanong ko na rin.
“Nasa private booth niya. Mamaya kasi ay siya ang nakatokang DJ dahil hindi dumating si Ion. Puntahan ko na, ha!”
Pinigilan ko siya, “No need! Ako na lang ang pupunta sa kaniya. Bumalik ka na sa trabaho dahil ang dami niyong customers ngayon.”
“Sige. Ikaw ang bahala! Iwanan na kita, ha?” paalam niya. “Ipapadala ko na lang ang tampuluts at tower sa booth.”
Natawa ako sa kaniyang sinabi dahil alam na alam na nila ang palagi kong ino-order at kinakain.
“Thanks! Charge mo na lang sa boss mo,” saad ko.
“No problem, Ma’am!”
Umakyat ako sa hagdan papunta sa private booth ni Nick. ‘Nagkakilala kami ni Nick noon ng nag training siya bilang isang piloto. Isa kasi ako sa naging pilot instructor niya noon. Pero hindi na niya tinuloy ang kaniyang propesyon dahil hindi naman talaga iyon ang pangarap niya. Gusto kasi niya ay mag handle ng sariling business.’
Hindi ko alam kung kailan nagsimula ang pagkakaibigan namin, pero nakasundo ko siya dahil naintindihan niya ang topak ko. ‘Kayang-kaya niya i-handle ang cold-hearted treatment ko sa kaniya.’
“Hi!” bati ko pagbukas ng pinto.
Nagulat pa siya ng makita ako at ilang segundong natulala.
“What the -!” saad niya. Tumayo at nilapitan ako. Niyakap at nakipag beso-beso pa sa akin. “What brought you here? Wow! Na-surpsise ako, grabe! I didn’t expect na ang isa sa pinaka busy at magaling na piloto ng airline ay bibisita sa akin.”
“Ang O.A mo, ha!” usal ko. “Sinamahan ko lang si Rachel. She’s downstair, kasama ang kaibigan namin si Derek. Ayoko naman istorbohin ang dalawa dahil date nila ngayon.”
“I see. Nag order ka na ba?”
“Oo. Pinacharge ko na sa iyo,” natatawa kong sabi. “Ikaw pala ang DJ mamaya,” sabi ko. “Sakto pala ang pagpunta ko ngayon.”
“Yes! May emergency kasi si Ion kaya hindi nakapasok ngayon. “By the way, how are you?”
“Still the same!” tipid kong sagot.
Nagkwentuhan kami habang hinihintay ang alak at pagkain. Sa sandaling oras na iyon ay ang dami na naming napag-usapan.
“Si Jane kamusta?” pag-iiba ko ng tanong. “Hiring sa amin ng FA, baka gusto niya mag apply.”
“I’ll talk to her.”
“Mukhang malakas ang business mo ngayon,” natatawa kong sabi.
“Ever since na itinayo ko itong bar hindi naman kami naze-zero. Talagang swerte lang ang pangalan mo,” puri niya. “Magtatayo na nga ako ng third branch sa eastwood.”
“Nice!” tipid kong sagot. “Libre rin ba ako sa branch na iyon?” kantiyaw ko. “Ang yaman-yaman mo na pala ngayon.”
“‘Di naman,” saad niya.
Napahinto kami sa pag-uusap ng dumating si Vic. Kasama niya ang isa pang waitress na nag-assist sa kaniya dala ang pagkain at alak.
“Isang cocktail tower lang ang in-order mo?” tanong niya.
“Papuntahin mo na lang sila Rachel dito at iyong isa pa niyong kaibigan. Dito na tayo uminom apat.”
“Sige.” sagot ko. “Text ko lang siya.”
Habang tine-text si Rachel ay inutusan ni Nick si Vic para kumuha pa ng isang tower at mga bestseller nilang pulutan.
“Anong sabi?” tanong sa akin ni Nick.
“Paakyat na sila,” saad ko.
Ilang minuto pa nga at bumukas ang pinto. Si Rachel at Derek na nga iyon. Naghihintay pa ako kung may papasok pang isang tao, ‘Mabuti na lang at wala!’
“Nick,” bati ni Rachel. “How are you? Grabe ang daming mga party people ngayon. Ganito ba araw-araw?” usisang tanong niya. “Oh! I almost forgot. This is our dearest friend, Derek.”
Nakipag-kamay si Nick kay Derek.
“Sit down, just drink and eat what you want. It’s my treat!”
Napatingin pa si Rachel kay Derek na nag-aalalangan pa na umupo.”
Tinuloy namin ang aming pag-kwe-kwentuhan. Kung hindi tinawag ni Vic si Nick ay hindi mapuputol ang aming pinag-uusapan.
Naiwan kaming tatlo sa booth at itinuloy ang pag-iinom.
“Libre ba talaga ‘tong kinakain at iniinom natin?” tanong ni Derek.
Natawa si Rachel sa sinabi ni Derek. Muntik na ngang mabuga ang laman ng kaniyang bibig.
“Kaibigan ni Hera si Nick. At ito pa. Ipinangalan ni Nick ang bar na ito sa pangalan ni Hera. Kaya didikit lang tayo kay Hera para makalibre,” tawang sabi niya.
“Uminom na nga lang kayo riyan,” sabi ko.
Nag-uusap si Rachel at Derek habang ang atensyon ko ay nasa stage sa baba. ‘Ang isang corner ng booth ay full window glass kaya kita ang mga galaw ng mga tao roon.’
Napukaw ang atensyon ko ng tumunog ang cellphone. Nang mapatingin sa dalawa ay nakita ko si Derek na ninerbiyos. ‘Nakutuban ko na kaagad kung sino iyon.’ Nagkunwari akong walang paki-alam.
Hindi lang isang beses nag ring iyon, kun’di sunod-sunod ang tawag.
“Sagutin mo!” Sambit ko. “I loudspeaker mo,” dugtong ko.
“Pe-pero…” alangan niyang tugon.
“Sige na! Baka may kailangan sa iyo ang ama mo,” tugon ko. “Huwag mo lang sasabihin kung nasaan tayo. Huwag mo ring sasabihin na magkakasama tayo.”
Sinagot niya ang tawag. Ni-loudspeaker niya rin iyon kaya nakumpirma ko na si Aleric nga ang tumatawag.
“Hello?” bungad na salita. “Nasaan ka na? Kanina pa kita hinahanap. Nandito ako sa baba kung saan ka kanina nakatambay. Umalis lang ako sandali, nawala ka na!” bulyaw niya.
“U-umalis na ako! Hindi na kami natuloy,” sagot ni Derek. “Hi-hindi na kita hinanap kasi akala ko umuwi ka na ng hindi mo makitang kasama ni Rachel si Hera.”
“What? Nasaan ka? Kasama mo pa ba si Rachel?”
“O-oo. Magkasama kami. Pero lumipat na kami ng ibang place. Masyadong maingay, e gusto ni Rachel sa tahimik!”
Muntik na akong matawa pero pinigilan ko iyon. Si Rachel naman ay pinandidilatan na siya ng mata.
Narinig ko ang malakas na buntong hininga sa kabilang linya.
“Fine! Aalis na lang ako. Wala ka talagang kwenta!” sambit ni Aleric at binaba ang tawag.
“Thanks!” saad ko ng magtama ang mata namin ni Derek.
“So-sorry, ha! Maniwala ka, Hera. Wala akong balak na isama siya. Kaya lang wala na akong nagawa.”
“I understand. Hayaan mo na. Hindi na rin naman natin siya kasama,” ngiti kong tugon. “Tatapusin ko lang ang performance ni Nick at aalis na rin ako. Mag-enjoy na lang kayong dalawa rito. Ubusan niyo lahat ito kasi sayang.”
“Iniiwasan mo ba siya?” tanong ni Derek sa akin. “Simula ng magkita kayo ni Aleric, sinusubukan niyang maka-usap ka tungkol sa nangyari sa inyo.”
Mas mapakla pa rin ang nararamdaman ko kaysa sa alak na iniinom ko.
“Masaya naman siya, ‘di ba?! Kung hindi ako nagpaubaya, sa tingin mo ba magtatagal sila?! May mga bagay na hindi maaaring ipilit kahit alam mong mahalaga sa iyo.”
“A-alam mo?” tanong niya sa akin.
“It doesn’t matter, Derek. Ang mahalaga ngayon ay masaya silang dalawa at hindi ako nakasira sa relasyon nila.”
“Pero mali ka ng -”
Napahinto siya ng magsalita ako, “Okay na! Huwag na natin pag-usapan o balikan pa ang nakaraan.” Tinungga ko muli ang isang baso ng alak, “Kayong dalawa, mahal niyo pa rin ba ang isa’t-isa? Siguro naman walang conflict kasi pareho naman kayong single. O may pamilya ka na Derek?”
“Ha? Wala ah! Single and ready to mingle pa rin ako. Isa pa, hindi ko pa nahahanap ang babae na tatalo kay Rachel. Baka nga ikaw pa rin ang laman nito,” saad ni Derek habang nakatingin kay Rachel.
Nasampal siya ni Rachel. “Tang-ina mo! Tigil-tigilan mo nga ako, Derek!” saad ni Rachel. “Hindi na nga nag work iyong relationship natin as couple before, gusto mo pang subukan ulit? Baka talagang friends lang tayo for life.”
“Hindi rin! Kung hindi mo na ako mahal, e ‘di sana may boyfriend o asawa ka na ngayon. Tsk! Baka hinihintay mo lang ako.”
“Now I know!” bulalas ko. ‘Kung sa pangalawang pagkakataon ay maging sila, sana maging panghabang-buhay na. Para naman maging masaya na sila. Ilang taon na rin ang nasayang pero hanggang ngayon hindi nila matanggap sa kanilang mga sarili na para sila sa isa’t-isa.’
Habang tinitingnan sila na parang aso’t pusa ay hindi ko napigilan maging malungkot. ‘Malungkot para sa sarili ko.’ Baka kailangan ko naman bigyan ng chance ang sarili ko na magmahal at mahalin ulit.
Nagsimulang umindak ang lahat ng makita si Nick sa itaas ng stage at isa-isa nang pinagana ang dj mixer. Narinig na rin namin sa speaker ang tinutugtog ni Nick. Mapapaindak ka talaga sa pagiging professional dj niya. ‘Hindi na ako magtataka kung bakit sikat na sikat ang bar na ito.’
Nang matapos ang isang tugtog ay tumayo na ako. Umangat ang tingin sa akin ni Derek at Rachel.
“Seryoso ka talaga?” tanong niya. “Iiwan mo ko sa mokong na ito?!”
“Bakit hindi? Sigurado naman mag-eenjoy kayo ni Derek sa tahimik na lugar.”
Napangisi ako dahil wala naman nasabi ang dalawa.
“May lakad din kasi ako bukas kaya’t kailangan ko ng umuwi.”
Nagsasalita sila pero hindi ko na ini-intindi pa iyon. Dire-diretso ako lumabas ng booth at nagdesisyon na umuwi na.
Pababa ng hagdan ay nag re-ready na naman si Nick sa susunod niyang tugtog. Nang makita ako ay sinenyasan ko na lang siya na aalis na ako. Pero umiling-iling siya sa akin.
“Everyone! All ears here! Let’s welcome my friend, Nyx! She will be your next DJ tonight!” Tinuro ako ni Nick kaya’t napunta sa akin ang mga mata ng mga tao.
“Woah!” hiyawan nila.
“Hindi lang magaling na DJ iyan. She’s one of the best captains in the world! “ Hiyaw ni Nick.
Umiling ako at hindi naki-ayon sa kaniyang gusto.
“Ipapahiya mo na lang ba ako sa kanila, Nyx?” tanong niya. “Please? Just one song!”
Panay hiyaw ang mga tao. Hindi ko na rin nagawang tumanggi dahil sa kaniyang paawa effect.
Mas lalong nabasag ang eardrum ng tenga ko dahil sa kanilang mga sigaw pagtungtong ko sa stage.
Siniko ko siya, “Sira ka talaga!”
“Miss na kita maka-jamming, bakit ba? Isa ka sa pinakatalented na kaibigan ko na hindi nakakahiyang ipagmalaki.”
“Fine! Stop saying sweet words. Pagbibigyan na kita.”
Hinawi ko siya at pumalit sa kaniyang pwesto.
Aleric Zeus Marcet
Last shot ko na ng alak nang marinig ang pangalan ni Hera. Akala ko nga ay ibang tao pero nang makita ko ay hindi ako nagkamali. ‘Siya pala talaga!’ My heart felt warm ng makita ang kaniyang magagandang ngiti. ‘Taon din ang lumipas ng makita muli iyon.’ Sa kaniya nakatuon ang buong atensyon ko. Mula sa paglalakad papunta sa stage paakyat doon.
Ang kaninang nararamdaman ko na saya nang makita siya ay napalitan ng hindi maintindihan na pagka-irita, lalo na ng makita ko kung gaano ka-attach sa kaniya ang lalaking DJ. Sumasayaw ang dalawa sa saliw ng tugtugin. Maging si Hera ay agaw atensyon rin sa ibang lalaki dahil sa lambot ng kaniyang paggiling. ‘Simpleng movement lang iyon pero kitang-kita kung gaano kalambot ang kaniyang katawan.’
Halos limang minuto rin ang tinaggal niya sa stage bago bumaba. Hinatid siya ng lalaking tumawag sa kaniya kanina palabas ng bar. Pagkatapos lagukin ang huling alak na inilagay ng waiter ay sinundan ko ang dalawa. Akmang paglabas ko ay nasa tapat sila ng sasakyan. Masaya si Hera sa kaniyang pakikipag-usap. Naghalikan pa ang dalawa at nagyakapan.
Ilang sandali pa at sumakay na si Hera sa kotse at umalis na ang lalaki. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para puntahan siya. Dire-diretso ako sa passenger seat katabi ang driver seat. Mabuti na lang at bukas pa iyon.
“Hindi ka ba sasabay ng uwi kay Derek?” tanong niya. Hindi siya nakatingin sa akin kaya’t inakala niya na ako si Rachel. ‘Doon ko nalaman na all this time ay magkakasama ang tatlo.’ I cursed in my mind, ‘Humanda ka sa akin bukas, Derek!’
“Hui!” sambit niya ng tumingin sa akin. Nagulat niya ng makita ako. “A-anong ginagawa mo rito? Baba!” usal ko.
“Wala akong dalang sasakyan! Ihatid mo ko sa bahay,” kalmado kong sabi. ‘Hindi ako pwede magpadala sa galit.’ Chance ko na ito para makausap siya.
“Baba sabi, e! Kung hindi tatawag ako ng bouncer at ipapadampot kita!”
“Then, do it!” matapang kong sabi.
Huminga siya ng malalim, “What do you want?” tanong niya. Pinaandar na niya ang kotse. “Sabihin mo na at bumababa ka na ng kotse ko.”
‘Ang dami kong tanong. Ang dami kong gustong sabihin pero naalala ko ang sinabi ni Derek. Hindi ko pa naaayos ang relasyon ko kay Aimee kaya’t hindi ko pa pwedeng sabihin kay Hera na hanggang ngayon siya pa rin ang mahal ko. At wala akong pakialam kung hindi niya ako minahal noon, dahil ngayon, sisiguraduhin ko na mamahalin na niya ako.’
“Hatid mo lang ako sa bahay,” mahinahon kong request. “‘Yun lang!”
Walang nagawa si Hera at pinaandar ang kotse. Tinatahak namin ang daan pauwi sa bahay namin.
Wala siyang imik. Kahit magsalita ako ay hindi siya sumasagot.
Dahil siya ang laman ng aking isip ay hindi ko namalayan nasa tapat na kami ng mansiyon.
“Baba!” Sambit niya.
“T-thank you!” sagot ko.
Hindi ko narinig na sumagot siya. Diretso lang ang tingin niya sa daan habang ako titig na titig sa kaniya.
Nanatili akong nakatayo sa aking kinatatayuan habang tinitingnan ang kotse na palayo ng palayo sa aking paningin.
“Sir, nariyan po si Ma’am Aimee. Kanina pa naghihintay sa inyo,” bungad sa akin ng aming kasambahay pagpasok ko ng gate.
“Hijo, nariyan ka na pala. Kanina ka pa hinihintay ni Aimee!” saad ni Mommy. “Hindi ko ata narinig ang kotse mo?” dugtong niyang tanong.
‘Iniwan ko iyon sa bar para lang makasabay si Hera!’
“Dinala ko sa kasa. Nagloko kasi kanina ang makina,” dahilan ko.
“Okay! Maiwan ko na kayong dalawa rito,” tugon ni Mommy at iniwan na kaming dalawa.
“Good night, Tita Eunice!” paalam niya.
Umupo ako sa opposite chair na kinauupuan niya.
“Bakit nandito ka?” tanong ko.
Tumayo siya at nilapitan ako. Bibigyan niya sana ako ng halik sa labi ng umiwas ako.
“What’s wrong with you?” tanong niya. “Are you tired? I can give you a massage!”
“I-I’m sorry! I’m just tired,” dahilan ko sa kaniya. “Can you drive yourself home?” tanong ko. “Let’s meet and talk tomorrow.”
“S-sure!” sambit. “Sorry kung hindi ako nagpasabi na pupunta ako. I know you’re still adjusting to your new work as a President. I will wait for your call tomorrow, okay?”
“Okay!” sagot ko.
Hinatid ko siya palabas ng bahay hanggang sa labas ng gate. Hinintay ko muna siyang sumakay ng kotse at makaalis bago ako pumasok sa bahay.
Aimee Hao POV
Huminto ako sa hindi kalayuan at muling tinanaw si Aleric na ngayon ay wala na sa tapat ng gate.
“What’s with you?” tanong sa aking sarili. Napahawak ako ng mahigpit sa manibela. “Meron ka na naman bang iba, ha?! Like a year ago ng makipag-hiwalay ka? Aleric, kung sino ‘man ang babaeng iyon ay hindi ko bibigyan ng pagkakataon na makasama mo. I am the only woman who’s qualified to be your wife!”