Fernando Lao “Handa na ba ang mga tauhan natin?” tanong ko kay Clayde ng makarating sa warehouse. Nanatili kami dito sa labas at nag masid-masid sa paligid. “Lahat ng tauhan natin ay naka-pwesto na sa kani-kanilang lugar. Ang ilan sa kanila ay nasa loob na rin gaya ng plano na gusto niyong mangyari. Kahit magdala sila ng ilang tauhan ay hindi nila kakayanin ang dami natin.” “Maasahan ka talaga sa ganitong operasyon, Clayde!” puri ko. “Ito na ang oras na hinihintay ko!” Kinuyom ko ang aking palad dahil sa galit. “Lahat sila ay magbabayad ng buhay sa nawalang anak at asawa ko,” dugtong ko. “Matatahimik lang ang mag-ina ko kapag natapos na ang paghihiganti ko.” “Mananatili ako sa inyong tabi para protektahan ka, Capo!” sagot niya. Tumingin ako sa kaniya at ngumiti. “Ano ba ang tingin mo