GALIT ang naramdaman ni Ashley nang makita ang kaawa-awang sitwasyon ng asawa. Kaya kahit tinatawag siya ng dalawang lalaki na may kagagawan kung bakit nasa kalunos-lunos na lagay si Atlas Froi, hindi niya binigyan pansin ang mga ito. Bagkus ay tinawag ang mga tauhan ng asawa saka inutusan na isakay ito sa wheelchair. Nang maisakay sa wheelchair ang asawa, saka niya hinarap ang dalawang lalaking mayroong parehong mukha. "Sino kayo at ano ang karapatan niyo na saktan ang asawa ko?" galit niyang tanong sa mga ito. "Ashley, bakit hindi mo kami kilala, totoo ba na meron kang amnesia?" "Kung sino man kayo, hindi ako interesado. Ang tinatanong ko ay bakit niyo sinasaktan ang asawa ko?" "Kapatid mo kaming dalawa..." "W-Wifey ko, m-masakit ang sugat ko, d-dalhin mo ako sa ospital." daing ni