Luna POV* 10am na ng umaga at umuna akong bumisita sa mga biktima dahil may ginawa pa sandali si Juno. Sa isang magandang kwarto ay nakikita ko na masaya na sila dahil nakaalis na sila sa impyernong lugar na iyon. "Big Sister!" Tumakbo sila papunta sa akin at niyakap ako. Lumuhod naman ako sa kanila at pinat ang ulo nila. "Maayos na ba kayo? Excited na ba kayong makita ang mga magulang ninyo? I mean are you excited to see your parents?" Naiyak naman sila at tumatango. "We are but the others have no parents." Napatingin ako sa iba at mukhang sila yung mga batang nasa lansangan na at walang mga magulang na nag aruga. "Ate, pwede po ba na dito na lang kaming magtatrabaho at pagkain lang po ang hihingiin namin. Wala na po kaming mauuwian at sa kalsada lang po ang bahay namin." Napakag

