PROPOSAL ACCEPTED

1403 Words
[Klarence]                Kanina pa ako nakahiga sa kama ko na dating gamit ni Annika. Hindi ko alam kung dahil sa naaamoy ko pa sa unan at bedsheet ang naiwang amoy ng pabango ni Annika o dahil sa nag-aalala ako sa kanya kaya hindi ako dalawin ng antok.   “Ti-Tito Hernan. I- I hope I didn't wake you up..." ["Hindi naman. Hinihintay ko pa dumating si Annika. Wala pa kasi siya."] tila nag-aalalang sagot nito.               Damn! Saan sila nagpunta nung Duncan? It's only five pm when they left here.   "A-ah. G-ganun po ba?" napalunok ako. ["Bakit ka nga pala napatawag?"] tanong nito.               Bigla akong nablanko. Wala naman kasi talaga akong kailangan kay Tito Hernan. Gusto ko lang makasigurong nakarating na si Annika doon.   "Ah...ah, I- I just want to inform you na I will be coming to work tomorrow," sabi ko dito. ["Are you sure? Pwede namang diyan ka na lang muna para makapag-pahinga ka pa. I'll just give you the reports every day."] sagot nito. "It's okay, Tito. Na-miss ko na din namang magtrabaho. Alam nio namang workaholic ako eh," sabi ko na lang pero nag-aalala pa din ako kay Annika. ["If that's what you want..."] narinig kong sabi ni Tito Hernan sa kabilang linya. "Y-Yeah. Hindi po ba kayo kinontak ni--ni Annika?" nagi-guilty kong tanong. ["Hindi eh...."]             Dapat pinigilan ko siya kanina. Baka kung saan siya dinala nung Duncan. Baka kung ano nang ginawa sa kanya.   "Pambihira naman yang pamangkin mo, Tito! Hindi man lang ba niya naisip na nag-aalala ka sa kanya?!" hindi ko napigilang magtaas ng boses.               Naiisip ko pa lang na magkasama sila ng Duncan na yun mula pa kanina ay tila nakakapagpainit ng ulo ko.   ["Baka namasyal lang, Klarence. Baka ipinasyal ni Duncan dahil babalik na din si Annika sa Cebu."]               Sukat sa narinig ay para akong nanghina sa isiping hindi ko na pala makikita si Annika. Yun naman ang gusto mo, di ba?- sabi ng isip ko.   ["Sige na, Klarence. Magpahinga ka na."] narinig kong sabi ni Tito Hernan sa kabilang linya.               Gusto ko sanang tumutol. Gusto ko pang makibalita tungkol kay Annika. Pero ayaw ko namang makahalata si Tito Hernan.   "Si-Sige po. Good night, Tito."                Kanina pa yun. May isang oras na. Nakauwi na kaya si Annika? Napabalikwas ako ng bangon.             Ano bang gagawin ko?             Bumaba ako sa kama at saka lumabas ng kuwarto. Nagtungo ako sa mini bar at saka kinuha yung paborito kong alak.  Nagsalin ako sa baso at saka tinungga ito. Pero parang wala nang epekto sa akin ang alak na iniinom ko. Ni hindi na nito magawang pamanhidin ang nararamdaman ko.             Ano bang nangyayari sa akin? Ngayon lang nangyari sa akin na magpa-apekto ako sa isang babae.             Nagsalin uli ako ng alak sa baso ko. Iinumin ko na sana ito nang tumunog ang phone ko na nakalapag sa tabi ko.             Sino naman kaya ito? Siguro si Chad o Adam...             Dinampot ko ang phone ko. Si Heather lang pala.             Hindi ko na sana papansinin ito pero na-curious ako sa tatlong files ng pictures na ipinadala nito. Marahan kong tinapik yung file ng attachment. Hinintay ko iyong magbukas. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagsino ko kung sino ang nasa picture.             Si Annika! Habang naka-akbay si Duncan dito at nakayakap naman si Annika sa tagiliran nito.             Agad akong nakaramdam ng pagseselos.             No! Hindi selos ang nararamdaman ko!             Nanginginig ang kamay na binuksan ko pa ang dalawang pictures.             Si Annika at Duncan sa loob ng kotse na parang hahalikan ito ni Duncan.             Yung huling picture ang talagang nakapagpainit ng ulo ko!             Si Annika habang inaalalayan ni Duncan pababa mula sa kotse niya...sa loob ng isang motel!             Naibato ko ang hawak kong baso sa pader.             Tarantadong Duncan na yun!             Nanginginig na ang buong katawan ko sa galit. Hindi ko alam kung kanino. Kay Duncan? Kay Annika?             O sa sarili ko?                 "BITIWAN mo nga ako!"             Napaangat ang ulo ko mula sa mga pinipirmahan kong mga papeles.             "Sorry po, Sir....sinabi ko na pong hindi po pwedeng pumasok pero mapilit kasi--" mangiyak-ngiyak na paliwanag ni Becca.             "It's okay, Becca. Let her in." walang sigla kong putol sa kanya.             Nakita kong inirapan pa ni Auntie Elvira si Becca bago ito humakbang papasok sa opisina ko.             "I wonder what brought you here, Auntie?" tanong ko dito pagka-upo nito sa silyang nasa tapat ko.             Tumaas ang isang kilay nito. "Masama na bang dalawin ang kumpanya ng pamilya natin ha, Klarence?" naka-ismid na tanong nito.             Mapait akong napangiti. The nerve of this woman...             Auntie Elvira is my father's half-sister. Wala sila ni one percent na blood relation.             Nung magpakasal uli si Lolo Fernando sa nanay ni Auntie Elvira ay ipinagamit ni Lolo ang apelyido ng Montenegro dito dahilan para maging isa siyang lehitimong Montenegro.             Pero nung mamatay ang Lolo sa isang aksidente, napag-alaman namin na wala siyang ipinamanang share sa mga ito sa kumpanya. Kay Papa nito ipinamana ang buong kumpanya.             Meron namang ibinigay na lupain sa kanila sa Bohol, pero tila hindi ito nagustuhan ng mag-inang Elvira. Dahil siguro dito, kaya pagkaraan ng limang buwan ay namatay ang Nanay nito.             Mula noon ay hindi na nakipagkita pa sa amin si Auntie Elvira. Nabalitaan ko na lang na nasa Amerika na ito. Mula noon ay hindi na namin siya napag-uusapan sa anumang salu-salo ng angkan ng Montenegro.             Si Heather ay hindi niya totoong anak. Anak ito ng naging kaibigan niya sa America na namatay sa panganganak kay Heather pero inari na din niyang anak.             "Marami pa akong gagawin, Auntie. Please tell me what you want?" seryosong tanong ko dito.             Ngumiti ito. Yung tipo ng ngiti na hindi mo gugustuhin.             "Pamangkin, wag ka sanang magagalit sa itatanong ko sa yo...." pauna nito.             "Okay. What is it?"             "Are you a gay?" tanong nito.             Napaawang ang mga labi ko sa narinig ko.             "What??!"             "Nagtanong-tanong kasi ako. And I learned that mula nang mamatay ang mga magulang mo ay hindi ka pa nagka-girlfriend man lang." paliwanag nito.             "What's the issue with that?" kunot-noong tanong ko dito.             "Well.... if it's true.... iniisip ko lang kung paano na ang AMCO?" makahulugang sabi nito.             "Anong kinalaman ng AMCO?" naguguluhang tanong ko dito.             "Well.... kung wala kang anak sino ang magiging tagapagmana nito? Ano? Ido-donate mo na lang sa charity?" eksaheradang sabi nito.             I was trying to control myself. Hindi ako pwedeng magpadalos-dalos ng sasabihin kay Auntie Elvira. Nang biglang manlaki ang mga mata nito.             "Oh my! Wag mong sabihing dun mo ipapamana itong kumpanya sa hampaslupang kanang kamay ng Papa mo?!"             "I don't think interesado si Tito Hernan sa kumpanya, Auntie. In fact, pa-retire na dapat si Tito Hernan. Na-postpone lang dahil sa aksidente ko,” paliwanag ko dito.             "Ah, ah, ah, ah! Wag kang pakasiguro, pamangkin..." sabi nito na may kasama pang pagwagwag ng hintuturo.             "So.... may gusto ka bang i-suggest? Tell it to me direct to the point." sabi ko dito.             Sandali itong natigilan sa pagprangka ko sa kanya. Pero mayamaya ay malapad itong napangiti.             "You know what, pamangkin? Manang mana ka sa katalinuhan ko!" sabi nito.             Iba ang tuso sa matalino!             Hindi maalis ang pagkakangiting humarap pa ito ng husto sa akin.             "Whether you're a gay or not.... I suggest.... bakit hindi mo na lang pakasalan si Heather? Tutal, hindi naman kayo magkadugo. In that way, pag nagka-anak na kayo, magkakaroon ka na ng tagapagmana ng AMCO!" napapalakpak pa ito sa ideya niya.             Mataman ko itong tinitigan.             "Not a bad suggestion at all, Auntie..." sagot ko dito.             Lalong lumapad ang pagkakangiti nito pagkatapos ay dumukwang sa akin.             "So???? Is that a....yes???" tila excited nitong tanong.             "Consider it for now as a yes," sagot ko dito.             Bigla itong tumayo at saka nagsisigaw.             "Oh my! Oh my! Good decision, Klarence! Good decision!" hindi magkamayaw na sabi nito.             "Kailan ang engagement party? I need to organize it! A-S-A-P!" sabi pa nito.             "Let me handle it, Auntie. Ayoko ng pinangungunahan," babala ko dito.             "Okay. Okay. Sorry. Excited lang ako. I'm so happy for you and Heather. Aalis na muna ako. I'll just tell Heather about it," nakangiting sabi nito sabay tayo.             Naglakad na ito papunta sa pintuan. Pero lumingon muna ito bago tuluyang buksan ang pinto.             "Sa mansion ka na mag-dinner mamaya, Klarence. Magpapahanda ako ng special dinner. We have to celebrate!" sabi nito.             "Okay. I'll be there," tipid kong sagot.             Masaya na itong lumabas ng opisina ko. Marahas akong napabuga ng hangin bago ko dinampot ang phone ko at saka nag-dial.             "Hernandez...kailangan mo nang bilisan ang pinapagawa ko sa iyo."     ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD