FIANCE

1473 Words
            "Bro! Puro ka na naman trabaho.... sabi nga nila – unwind-unwind muna kapag may time!" banat ni Chad pagkapasok sa opisina ko.             Nasa likod naman ang tatawa-tawang si Adam. Napatigil ako sa ginagawa ko. Tiningnan ko ang Rolex watch ko sa braso.             Alas sais na pala ng gabi....             Ibinaba ko ang mamahaling ballpen ko at saka iniunat ang katawan ko. Patamad na isinandal ko ang likod ko sa sandalan ng swivel chair ko.             Mula nang bumalik ako ay double time ako sa mga trabaho ko. Although hindi naman napabayaan ni Tito Hernan ang opisina, pero gusto kong ma-review lahat ng naging transaksiyon nila nung naka-comatose ako sa loob ng halos anim na buwan.             "Kailan kaya kayo papasok dito sa opisina ko na kumpleto kayo?" tanong ko sa kanila.             "Wala pang pinagtataguang babae si Judd kaya hindi pa nauuwi ng Pilipinas." pabirong sabi ni Adam.             "Ano ba kaibahan ng mga babae dito sa Pilipinas? Iisa lang naman ang lasa ng mga yun. Dito na lang siya magkalat ng kamandag niya," sagot ko.             "Bro... mas mahirap magtago kung andito din sa Pinas ang pagtataguan mo!" sabat ni Chad.             "Eh bat ikaw naman? Hindi ko nabalitaang may pinagtaguan ka?" tanong ko dito.             "Nasa intindihan lang yan, bro... I make it a point na alam ng babae kung ano lang ang meron kami. See? Wala namang problema di ba?" pagyayabang ni Chad.             "Ganun ba? Bat di mo kaya i-orient yung kaibigan natin para hindi na umaalis," pagsakay ni Adam dito.             "Imported yata ang gusto ni Judd. Ayaw ng local..." sagot nito na kakamot-kamot pa sa ulo.             Nagtawanan na lang kami ni Adam.               "Paano? Magkukuwentuhan na lang ba tayo? Kahapon pa tuyo ang bahay alak ko!" banat uli ni Chad.             "Yun lang ba problema mo? Marami akong alak diyan sa pantry. Ubusin mo na," pagtataboy ko dito sa gawi ng pantry.             Marami pa akong kailangang gawin at alam kong hindi ako titigilan ng dalawang ito na hindi ako sumama sa kanila.             "Bro... malungkot yan!" reklamo ni Chad.             "Huh?" takang tanong ko dito.             "Malungkot yung alak kapag walang kasamang babae! Bro naman...."             Mahinang tumawa si Adam habang umiiling-iling.             "Anong babae??!"             Sabay-sabay kaming napatingin sa gawi ng pintuan.             "Heather? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko, nang makita ko si Heather na nakatayo sa pintuan ng opisina ko.             "Well, masama bang puntahan ko ang aking fiance?" maarteng sagot nito.             "Fiance??!" duet na nagtatakang-tanong nung dalawa.             Napatikhim ako. Hindi ko pa pala nasabi sa kanila.             "Darling?" untag sa akin ni Heather na nakalapit na pala sa akin.             Nagulat ako nang bigla ako nitong halikan sa labi. Kita ko din ang pagkagulat sa mga mukha ng dalawang kaibigan ko.             "Aahhh... mga bro... si Heather, ang… g-girlfriend ko."             Wala pa ring reaksiyon ang dalawa sa sinabi ko.             "Ah, ah, ah, ah.... correction, darling... fiancée." nakangiting sabi nito.             Nagkibit-balikat lang ako. Bahala ka!             "So, anong ginagawa mo dito?" walang gana kong tanong.             "Darling.... naiinip ako sa mansion. Manood naman tayo ng sine...." may pagmamaktol na sabi nito.             Umupo pa ito sa armchair ko at saka ako inakbayan. Hindi ko alam kung sinasadya ba nitong idikit ang dibdib niya sa braso ko o nagkataon lang. Whatever the reason is, wala iyong effect sa akin kahit konti man lang.             "Wala akong hilig sa sine," tipid kong sagot.             "Darling naman...."             "Mag-shopping ka na lang," suggestion ko dito.             "Sasamahan mo ko??" excited ang boses na pagkakatanong nito.             "Magpasama ka na lang kay Auntie. May kailangan kaming pag-usapan ng mga kaibigan ko," sagot ko sa kanya.             Tumayo ito mula sa armchair at saka biglang naupo sa kandungan ko.             "Heather!"             Nakaharap ang mukha nito sa akin at halos magpantay na ang mga mukha namin. Ngumuso ito.             "Is there more important in this world than your fiancée?" tila naglalambing na tanong nito, pero hindi ko gusto.               Hindi ko maigalaw ang mukha ko. Konting maling galaw lang ay mahahalikan ko na si Heather. Tumikhim ako bago ingat na ingat na nagsalita.             "We will be talking about... about.... a new business. Tama. Inaaya kasi kami ni Chad to invest sa bagong business niya," sabi ko dito.             "Really??" namimilog ang mga matang pagkumpirma ni Heather.             "Yes. Para sa future natin," sabi ko.             Nakita kong makahulugang nagtinginan sina Adam at Chad. Yumakap sa leeg ko si Heather.             "Okay, husband-to-be... if that's for our future... pagbibigyan muna kita with them," maarteng sabi nito habang nakangiti.             "Go ahead. Susunduin mo pa si Auntie," bahagya kong pagtataboy dito.             Malapad itong ngumiti.             "You naughty boy.... alam kong I am having an effect on you kaya mo ako pinapaalis dito sa lap mo...." maarte na namang sabi nito sabay kindat.             "Heather, anditong mga kaibigan ko," naasiwa kong sabi dito.             Nakita kong nagpipigil ng tawa ang dalawa. Hindi ko alam kung dahil ba sa kinaipitan kong sitwasyon ngayon o dahil sa pagka-asyumera ni Heather na may epekto nga siya sa akin.             Buti kung si Annika ka pa....             Ipinilig ko ang ulo ko. Isinumpa kong hindi ko na iisipin si Annika mula nung araw na umalis siya sa pad ko. Bakit ngayon ay sumagi na naman siya sa isip ko?             Pasimple akong bumuga ng hangin nang sa wakas ay tumayo na si Heather mula sa kandungan ko. Minabuti kong tumayo na din para hindi na uli nito maisipang umupo.             "Bye for now, darling..."             Aktong hahalikan ako nito sa labi pero nagkunwari akong may nilingon sa mesa ko kaya sa may panga ko tumama ang labi niya. Bahagya itong napangiwi pero hindi ito nagpahalata.             "Sa mansion ka ba magdi-dinner mamaya, darling?" tanong ni Heather sabay lambitin sa leeg ko dahilan para mapahawak ako sa bewang nito sa pag-aakalang matutumba kami.             "M-Maybe. I will just call you later, "sabi ko dito.             "Okay, see you..." at saka ito bumitaw sa akin.             "Nice meeting you guys... next time na lang tayo magkuwentuhan. Okay?" sabay kaway nito sa dalawa.             Bahagya lang gumanti ng kaway yung dalawa. Nang tuluyan nang makalabas ng kuwarto si Heather ay agad akong inulan ng tanong ng dalawa.             "Bro? What's that?" tanong ni Adam.             "Montenegro, baka gusto mong magpaliwanag sa amin ni Adam ng kalokohang ginawa mo?" si Chad.             "A-anong kalokohan? Walang kalokohan dun," sagot ko.             "Seriously? Papakasalan mo yung babaeng yun??" hindi makapaniwalang tanong ni Chad.             "Tara na. Sa bar na tayo," aya ko sa mga ito para malihis sa akin ang topic.                 "BRO... iisang buwan ka pa lang na lumalabas ng hospital. Baka naman makasama sa iyo ang sobrang alak," paalala sa akin ni Adam.             "Ano bang pinaglalasing mo? Yung gagawin mong pagpapakasal sa ampon ng Tita mo?" tanong ni Chad.             "Bro, obvious namang pera lang ang gusto sa iyo nung babaeng yun!" si Adam.             "Ano nang nangyari dun sa pamangkin ni Tito Hernan? Halata namang may tama ka din dun sa--"             "Wala siyang kuwentang babae." putol ko sa sasabihin ni Chad. "Ayoko na siyang pag-usapan. Ayokong makarinig ng kahit ano tungkol sa kanya maski pangalan niya." may diin kong sabi.             "Bro, anong nangyari ba?" nag-aalalang tanong ni Adam.             Dinukot ko ang phone ko sa bulsa at saka may hinanap sa gallery ko. Nang makita ay padabog kong inilapag sa harap ng dalawa. Nag-unahan pa sila sa pagdampot nito.             "Oh, di ba? Malandi siyang babae? Ang kapal ng mukha niyang magpakita ng interes sa akin. Isa din naman siyang mananamantala!" galit na sabi ko habang tinitingnan nung dalawa ang mga pictures na pinadala sa akin ni Heather.             "Bakit hindi mo siya tanungin? Hindi yung mukhang tanga kang naga-assume diyan," sagot ni Chad.             "Chad....ano naman ang karapatan niyang tanungin si Annika eh wala naman silang relasyon nun?" narinig kong sabi ni Adam.             "Hindi na kailangan! Alam ko na ngayon kung anong klaseng babae siya. Hah! Kaya kahit kailan hinding-hindi ako maniniwala sa mga babae!" inis kong sabi sabay tungga ng alak.             "Okay....sabi mo yan. Tara na. Umuwi na tayo. Baka makasama pa sa iyo iyang sobrang alak," yaya ni Adam.             Hindi naman ako kumontra pa. Tumayo na din ako at saka naglakad na kasabay nila palabas ng paborito naming bar na 'Eternity'.             "Kaya mo pa bang mag-drive?" tanong ni Chad.             "Oo. Kaya ko pa. Hindi pa ko lasing," sagot ko at saka pumasok na sa loob ng sasakyan ko.             Hindi pa din umalis si Chad sa labas ng sasakyan ko kaya ibinaba ko ang salamin ng bintana.             “Bakit?” tanong ko dito.             “Nag-aalala lang ako, bro. Diyan ka nadisgrasya last time,” sagot sa akin ni Chad.             “Don’t worry. Nasa matino pa akong pag-iisip. Mag-iingat ako,” pagbibigay ko ng assurance dito.             Tumango lang ito bilang sagot kaya pinaharurot ko na ang kotse palayo doon. Pero nagtataka ako sa sarili ko kung saan ako dinala ng pagmamaneho ko.             Mali. Sinasabi ng isip ko na mali. Pero yung puso ko sinasabing ito ang tama.             Andito ako ngayon sa kanto malapit sa apartment ni Tito Hernan. Nagbabaka-sakaling makita ko si Annika kahit sa malayo man lang.   ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD