THE HEART NEVER FORGETS

1030 Words
            Huminga ako ng malalim. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kahapon sa hospital. Hindi ko na nga alam kung paano ako naiuwi ni Duncan dito. Dumating din kagabi si Tito Hernan. Hindi naman niya ako pinagalitan. Pero kahit anong pilit niyang isama ako sa bahay niya ay hindi ako pumayag. Gusto kong dito din ako datnan ni Klarence. Kung saan nagsimula ang lahat.             Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko sa bulsa. Lagi kong dala ang phone ko saan man ako magpunta. Umaasa akong tatawagan or ite-text din ako ni Klarence kapag okay na siya. Kapag naalala na niya ako. Iniwan ko kasi sa kanya iyong number ko bago ako umalis ng kuwarto niya sa hospital.             Tinatamad na dinukot ko ang phone sa bulsa ko.   Duncan calling….   “Duncan." tinatamad kong sagot dito. ["Hulaan ko. Hindi ka pa nag-breakfast. Tama ako, di ba?"] sabi nito. "Tsk. Wala akong gana." ["Haist! Buksan mo ang pinto. Nandito ako sa labas."]               Pinatay ko na ang tawag at saka naglakad papunta sa main door. Nakita kong salubong ang kilay na nakatayo si Duncan sa labas ng pintuan, may bitbit na paper bag ng isang kilalang fastfood chain.             "Ayusin mo nga ang sarili mo," sabi nito, sabay pasok.             Nilagpasan ako nito at tuloy-tuloy na naglakad papunta sa kitchen. Wala akong nagawa kung hindi sundan ito. Pagkapasok ko sa kitchen ay naamoy ko agad ang mabangong amoy ng dala nitong pagkain. Kung sa ordinaryong sitwasyon siguro ay sinunggaban ko na ang mga pagkaing dala niya.             Patamad akong naupo sa tapat ni Duncan. Alam kong inoobserbahan ako ni Duncan pero wala ako sa mood para sitahin siya. Nakatingin lang ako sa mga inilalabas niyang pagkain mula sa paper bag.             "Tsk! Grabe ka namang tamaan," narinig kong sabi nito, at saka itinulak sa akin ang isang styro na may lamang fried rice, corned beef at itlog.             Pinangunutan ko ito ng noo. "Tamaan??"             "Tamaan ng pag-ibig," maikli nitong sagot. Inirapan ko ito.             "Kainin mo na yan. Tapos maligo ka na," tulak nito sa styro palapit sa akin, habang takip- takip ang ilong.             "Nag-shower ako kagabi bago matulog! Upakan kaya kita diyan?!" singhal ko dito.             Bahagya itong ngumiti. Alam ko namang gusto lang niya ako asarin. Pero wala ako sa mood makipag-asaran sa kanya. Sinimangutan ko ito sabay patamad na sumubo ng fried rice.             "Alam mo kapag araw-araw kang ganyan, ang pangit mo na kapag dumating yung time na maalala ka na ni Klarence," sabi nito.             Natigilan ako sa pagkain. Ibinaba ko ang kutsara't tinidor at saka sapilitang nilunok yung nginunguya kong pagkain.             "Duncan...bakit ganon? Bakit biglang hindi na niya ako maalala? Asan na yung sabi niyang liligawan niya ko pag nagising na siya?" sabi kong may bahagyang pagpiyok.             Pilit kong nilabanan na huwag maiyak. This time, nakita ko ang awa sa mga mata ni Duncan.             "I think yung state of mind kasi ni Klarence na gumana after niya magising is yung bago siya maaksidente. Malamang nga nung nagising siya nagtataka siya bakit siya nasa hospital. Since kaluluwa lang naman niya yung nakasalamuha mo, may posibilidad talaga na hindi niya naaalala yung mga nangyari between the two of you," mahabang paliwanag nito.             "Imposible naman yata yun. Bakit alam niyang dito siya umuuwi? At bakit alam niya yung favorite mug niya?" tanong ko dito.             "Instinct. Yun ang lagi niyang ginagawa. Dito siya umuuwi araw-araw.  Regular routine niya yung pag-inom ng kape gamit iyung mug na ‘yon. Na yan."  abay nguso nito sa mug na nasa harapan ko.             Nasanay na kasi akong gamitin ang mug ni Klarence.             "Sad to say...ang lumalabas.... parang hindi ka dumaan sa istorya ng buhay niya. Admit it. Maluwag mong tanggapin sa sarili mo, para hindi ganun kasakit," malungkot nitong sabi.             Malungkot na nilaro-laro ko ng tinidor yung corned beef sa styro sa harap ko. Malalim akong bumuntong-hininga.             "Ganun na lang yun? Hindi na niya ako maaalala forever?" tanong ko sa kanya.             Mataman akong tiningnan ni Duncan na para bang sinusukat kung gaano ako kaseryoso sa tanong ko.             "Pwedeng oo.... pero sana naman hindi. Let's hope and pray," sabi nito.             Sukat doon ay hindi ko napigilan ang pagbagsak ng luha ko. Dahil doon ay para namang biglang nakaramdam ng awa sa akin si Duncan.             "S-sorry..." pakunswelo nito. Umiling-iling ako.             "No....wala ka namang kasalanan. Tama ka. Hindi ako dapat umasa. Masasaktan lang ako," sagot ko dito sa pagitan ng pagsinghot.             “Hey! Bakit mo ba ginagawang big deal? Ngayon, nag-meet na kayo. Kaibiganin mo uli siya. Hanggang sa mabuhay uli yung feelings niya sa iyo,” dagdag pa nito.             “Paano kung hindi na?” tanong ko dito.             "Do you really fell in love with him nang ganun kabilis? In a month’s time?" tila hindi makapaniwalang tanong nito. Mapakla akong ngumiti.             "Yeah....hindi ko rin alam bakit.... akala ko si Kiefer lang ang lalaking mamahalin ko. Hindi pa pala," sabi kong iiling-iling.             Inabot ni Duncan ang kamay kong may hawak na kutsara at saka tinapik-tapik ito.             "Hey! Be positive lang. Malay mo naman, maalala ka din niya. May kasabihan nga di ba. Ano nga ba yun?" tumingin pa siya sa kisame, na para bang doon niya makikita ang sagot.             Dahil doon ay hindi ko tuloy napigilan ang mapangiti.             "Ayun! The heart never forgets," nakangiting baling nito sa akin.             Lalong lumapad ang pagkakangiti ko.             "Bakit?" takang tanong nito.             "What the mind cannot remember, the heart never forgets," pagtatama ko sa kanya.             "Yun nga! Tama naman ah. Pinahaba mo lang. Palibhasa forte ng nga writer yung ganyan eh," sabi pa nito.             Bahagya akong ngumiti. "Sana nga..."             "Ayan! Ganyan! Nginitian mo ng ganyan lagi si Klarence para main-love uli sa yo," sabi nito.             Napapailing na sumubo na ako ng pagkain ko. Si Klarence kaya nag-almusal na din?             Nang biglang may ideyang pumasok sa isip ko. Nagmamadaling tinapos ko ang pagkain ko. Kita ko ang pagtataka sa mga mata ni Duncan. Mabilis ang mga kilos ko. Pagka-inom ko ng tubig ay tumayo ako agad.             "Samahan mo ko. Maliligo lang ako tapos aalis na tayo," sabi ko kay Duncan, at saka nagmamadaling naglakad.             "Saan tayo pupunta?" tanong ni Duncan.             "Kay Klarence!" pasigaw kong sagot habang naglalakad palayo sa kanya papasok sa kuwarto. “Dadalhan natin siya ng almusal!”     ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD