Beep. Beep. Beep. Beep. Beep. Beep.
“Klarence! Anong nangyayari, Doc?" tanong ko sa doctor na naroroon.
"Humihina na ang puso niya. Any moment ay tuluyan na itong hihinto."
kalmadong anunsiyo ng doktor.
Hindi ako makapaniwalang ganun lang ang reaksiyon niya. Hindi ba dapat ay nagpa-panic na din ito? Hindi ba dapat ay agad siyang gagawa ng paraan para maisalba ang pasyente niya? Bakit wala siyang ginagawa?
Napatingin din si Tito Hernan kay Klarence kaya mabilis akong nakawala mula sa pagkakahawak nito na lumuwag nang bahagya. Tinakbo ko ang distansiya namin ni Klarence na nakahiga sa hospital bed.
Bahagya ko itong niyugyog.
"Klarence...please....wag namang ganito...." sabi ko habang bahagyang niyuyugyog ang katawan niya.
Hindi pwedeng walang patunguhan ang pagpunta namin dito. Hindi pwedeng hindi ko siya magawang maibalik. Hindi pwedeng walang patunguhan ang namumuo na naming pagtingin sa isa’t isa.
"Klarence...sabi mo…. Sabi mo di ba liligawan mo pa ako pagkagising mo? Klarence, gumising ka na please...." sabi ko dito habang panay ang patak ng luha ko.
Hinanap ng paningin ko ang doctor, sa kabila ng nanlalabo kong paningin.
"Dok, wala ba kayong gagawin? Hindi nio ba siya ire-revive? Anong klaseng doktor kayo?" desperadong tanong ko dito nang hindi man lang ito kumilos.
Malungkot lang ako nitong tiningnan.
“Miss, kahit ano pang mangyari, naka-set nang i-unplug ang mga nakakabit na tubo sa katawan ng pasyente. As approved ng pamilya. I’m sorry…” malungkot na sagot ng doktor.
Binalingan ko ang dalawang nurse.
"Nurse?"
Pero tumingin lang sa doctor yung isang Nurse at yung isa naman ay nagyuko lang ng ulo.
Nanlalabo pa rin ang paningin ko sa sobrang luha. Nawawalan na din ako ng pag-asa. Paano ko ililigtas si Klarence kung iyong mga nasa paligid ko ay hinayaang tanggapin n ani Klarence ang kamatayan niya?
Nayakap ko na lang si Klarence sa kawalang magawa. Naramdaman ko pa ang mga kamay ni Duncan sa magkabilang balikat ko. Walang tigil ang pagpatak ng luha ko.
Kinakarma yata ako ng mga isinusulat kong mga kuwento sa nangyayari sa akin ngayon. Gusto kong sisihin ang sarili ko. Nabigo ako. Bigo ako. Wala akong nagawa....
"K-Klarence...mahal na kita..." mahinang sabi ko dito, sapat lang sana na marinig ni Klarence. Pero wala na din akong pakialam kung marinig man ng mga tao diito sa loob ng kuwarto. Kung ito na lang ang huling beses ko iyong masasabi kay Klarence ay wala na akong pakialam.
Wala na talaga akong pakialam sa paligid. Napagpasyahan kong sa kahuli-hulihang pagkakataon ay gawaran ng halik sa labi si Klarence.
"Annika! Ano bang ginagawa mo?!" galit na sigaw ni Tito Hernan, at saka ako nito sapilitang inilayo kay Klarence.
Wala akong nagawa kung hindi ang maiyak uli. Hindi nila ako naiintindihan, at maiintindihan. Kailanman, ay hindi nila ako maiintindihan.
"Umuwi ka na, Annika. Mag-uusap tayo mamaya," mahinahong sabi ni Tito Hernan, pero may diin kaya alam kong galit talaga ito sa akin. Kita ko din sa mukha nito ang stress. Naaawa na din naman ako kay Tito Hernan.
Alam kong hindi biro ang ginawa niyang paghanap at pagkumbinsi kay Mam Elvira. Tapos ay sumasabay pa ako.
Tumalikod na ako kay Tito Hernan para maglakad na papunta sa pintuan nang bigla nitong tinawag ang pangalan ko.
"Jesus Christ! Annika!"
Mabilis akong napalingon dito. Nakita kong nagtakbuhan ang doktor at yung dalawang nurse sa kama ni Klarence.
Sumisinghap si Klarence na tila naghahagilap ng hangin, tapos ay naubo ito na tila nasasamid. Natigilan ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko malaman kung anong iisipin ko ng sandaling yun. Sobra-sobrang tuwa din ang nararamdaman ko.
"T-Tubig..." sabi ni Klarence habang nakapikit pa rin.
Nakita kong kumuha yung isang nurse ng bulak at saka bahagyang binasa mula sa mineral water na nakalapag sa gilid ng kama. Dahan-dahan niyang idinampi ito sa mga labi ni Klarence.
This time ay nahilam na naman ang mga mata ko sa luha. Sabi nga nila ay tears of joy. Ganun din ang nakita kong saya sa mukha ni Tito Hernan at nung tatlong lalaki.
Nang lingunin ko ang Auntie ni Klarence, nagulat ako nang taliwas sa inaasahan ko ang nakita kong ekspresyon nito.
Bakit parang hindi siya natutuwa??
Wala naman akong makitang ekspresyon sa mukha nung babae sa tabi niya, na marahil ay anak niya. So, pinsan siya ni Klarence. Pero parang hindi naman sila close base sa reaksiyon nito.
Nang matapos ang doktor at dalawang nurse sa pag-check kay Klarence ay agad ko itong nilapitan nang lumayo na sila sa kama.
"Klarence..." masayang sabi ko dito, sabay hawak sa kamay nito.
Mahigpit ko iyong hinawakan. Sa wakas. Ngayon ko lang ito nagawa. Ang mahawakan siya. Maramdaman ang init ng palad niya. Pero unti-unting lumuwag ang pagkakahawak ko sa kamay ni Klarence nang may makita akong kakaiba sa mga mata nito. Unti-unti din akong nilukob ng kaba.
"Klarence?" nag-aalalang tanong ko dito.
"Sino ka?" balik-tanong sa akin nito.
TAPOS ko nang diligan ang mga halaman ni Klarence pero hindi ko pa rin maalis ang pagkakatitig ko sa isang pot arrangement ng mga cactus at succulents. Iba-ibang klase at laki ng cactus and succulents na nakaayos sa isang malaking bowl. Nakakatuwang ang isang hunk na katulad ni Klarence ay mahilig mag-alaga ng mga ganitong halaman.
Napangiti ako nang maalala ko ang imahe ni Klarence sa hospital habang comatose ito. Ilang minuto ko lang napagmasdan ang mukha niya pero malinaw na malinaw iyong nakatatak sa isip ko. Para itong babaeng version ni Sleeping Beauty. Kahit na hindi siya nakapag-shave ng facial hair niya ay hindi iyon nakabawas sa kaguwapuhan niya. Ang mga pilikmata niyang parang inaplayan ng mascara sa lantik at kapal. At hindi mo aakalaing maysakit siya dahil sa mga labi niyang mapula.
Napabuntonghininga ako. Akala ko kay Kiefer ko lang una at huling mararamdaman ang ganitong pakiramdam.
Guwapo din naman si Kiefer. Actually, marami ding nagkakagusto sa kanya nung High School at College kami. Ang pinakagusto ko kay Kiefer ay ang magandang hubog ng mga hita nito. Palibhasa ay volleyball player ito at madalas siyang mag-join sa mga marathon kaya toned na toned ang mga muscles niya sa hita.
Pero ibang klase ang kaguwapuhan ni Klarence!
Para itong Greek God na bumaba galing sa Mt. Olympus. Parang may magneto ang mga tingin nito na para bang ayaw mo nang mahiwalay ng tingin sa mga matang yun.
Iba ang dating nito. Kung si Kiefer yung boy-next-door type, si Klarence naman yung may pagka-hot bad boy image.
Ano kaya ang pakiramdam ng mayakap nito?