"Miss, saang floor ang ICU?" tanong ni Duncan sa nurse na nasa Information.
Tumingin sa amin yung nurse na naroroon. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa aming dalawa. Palibhasa ay hindi nito nakikita si Klarence sa tabi ko.
"Sinong dadalawin?" mataray nitong tanong, na bahagya pang nakataas ang isang kilay.
"Si Klarence Montenegro."
Lalong tumaas ang isang kilay ni Ate Nurse. "Kamag-anak lang ang pinapayagang dumalaw. Sino ba kayo?" malamig na sabi nito.
Napalingon sa akin si Duncan na tila nagpapasaklolo.
Oh my gosh...hindi pwede. Isip, Annika...kailangan mong mag-isip agad...
"Mam... mam.... please... girlfriend ako ni Klarence Montenegro. Kailangang-kailangan ko siyang makita," sabi ko na may kasamang pagpapa-awa.
Sino bang mag-aakalang magagamit ko pala iyong pagiging writer ko?
Nakita kong sinuri ako ng tingin ng nurse. Pinagmasdan nito ang mukha kong walang ka-makeup-makeup. Buti na lang at nakapaghilamos man lang ako.
Pati yung damit ko ay dumaan sa mala-xray machine nitong mga mata.
Mabuti pala at nahablot ko pa itong bagong bili kong hoodie jacket bago ako lumabas ng bahay ni Klarence.
Pati yung paa ko ay hindi nakalusot sa pag-iskrutina ng nurse. May problema ba? Fit Flops naman ang brand ng tsinelas ko ah! At orig to noh!
"Bakit parang ngayon lang kita nakitang dumalaw dito kung girlfriend ka nga?" tanong na naman nito.
Sh*t!
"Mam...yun nga po, mam..." pasimple akong napatingin kay Klarence.
"Go on, Annika..." sabi nito.
Ibinalik ko ang tingin ko sa mataray na nurse sa harap ko. Bahala na!
"Yun nga po ang ikinasasama ng loob ko. Ako ang girlfriend, pero ako ang huling-huling nakaalam kung ano ang nangyari sa kanya...." malungkot kong sabi.
Kailangang may tumulong luha mula sa mga mata ko. Please naman....
"Imagine Mam? Kung... kung hindi pa dahil sa kaibigan namin na to... hindi ko pa malalaman na may.. masamang nangyari kay Klarence..." sabi ko at saka ako nag-fake ng hagulgol.
Nakita ko namang biglang lumambot ang mukha ng nurse. Arte pa, Annika...iyung pang- Best Actress...
"Mam, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag hindi ko nakita si Klarence sa huling sandali. Napakasakit, Mam...." sabi ko sabay hawak pa sa kaliwang dibdib ko.
Nagulat ako nang may luha talagang pumatak sa kaliwang mata ko. Sinamantala ko iyon para lalong pagbutihan ang acting ko.
"Lalo na nang malaman ko na ngayon nila iu-unplug ang ventilator niya... Mam, sa ngalan ng pag-ibig....sa pagmamahal ko kay Klarence...please...baka kaya ko pang pigilin ang gagawin nila."
This time ay sunud-sunod na ang pagpatak ng luha ko. Nakita kong suminghot si Ate Nurse.
"Nasa third floor ang ICU...." malungkot na sabi nito.
Napaawang ang mga labi ko sa kabiglaanan.
"Thank you, Miss! Thank you talaga!" nakangiting pasalamat ko dito.
"Mauna na kaya si Klarence dun?" bulong sa akin ni Duncan pagkatalikod namin sa Information.
"Wag na. Sabay na siya sa atin. Baka maligaw pa siya. Mahirap na. Nagmamadali tayo," mahina kong sagot.
Nagmamadali na kaming maglakad papunta sa elevator.
"Hus! Ayaw mo lang malayo sa kanya eh..." sagot ni Duncan.
Pinaningkitan ko ito ng mata.
"Duncan? I cannot believe na nakakapagbiro ka pa. Tense na tense na nga ako dito!" sagot ko sa kanya.
Ipinatong ni Duncan ang kamay niya sa balikat ko at saka marahan itong pinisil.
"Pakisabi sa kanya alisin niya ang kamay niya sa yo," narinig kong sabi ni Klarence.
Nilingon ko ito. "Klarence, isa ka pa. Yung paglipat mo sa katawan mo, doon ka mag-concentrate," sagot ko dito.
Mabuti na lang at kami lang ang nasa loob ng elevator. Kung hindi ay mapagkakamalan akong baliw ng mga tao.
"Bakit? Jelling si boyfriend??" pilyong sabi ni Duncan sa akin.
Binalingan ko si Duncan at saka pinandilatan ng mata pero bahagya lang itong tumawa.
"Annika..." Nilingon ko si Klarence.
"Annika...salamat....hindi mo ko sinukuan..." sabi nito.
Ngumiti ako dito. "Wala yun." sabi ko dito.
"Kapag nakabalik na ko sa katawan ko, pwede ba kitang... ligawan?" nakangiti nitong tanong.
Sa ikalawang pagkakataon, muli akong nakaranas ng kilig. Pero kakaiba ngayon. Ibang-iba noong nanligaw sa akin si Kiefer. Sasagot na sana ako nang unahan akong magsalita ni Duncan.
"Sagutin mo na ng oo, magbubukas na itong elevator. Pakipot pa eh..." Tiningnan ko ng matalim si Duncan sabay irap dito.
Epal toh!
Nang tumunog na ang elevator, hudyat na nakarating na kami sa destinasyon namin, halos liparin na namin ang papunta sa ICU.
"Eto, Annika. Klarence Montenegro," sabi ni Duncan sabay nguso sa pintuan na may nakalagay ng pangalan ni Klarence.
May takip yung maliit na viewing glass sa pinto. Yung glass window ay nakasara naman ang kurtina mula sa loob kaya wala kaming makita mula sa labas.
Bumaling ako kay Klarence. Nakita kong hindi maipinta ang mukha nito. "Klarence??"
"Nanghihina ako, Annika...."
"Pilitin mong makapasok na, Klarence. Andito na tayo!" nag-aalala kong sabi sa kanya.
"Nakakatawag kayo ng atensiyon ng mga tao. Baka mamaya mabulilyaso pa ang pagpasok natin," bigay babala ni Duncan.
"Klarence, tara na!" yaya ko dito at saka ko mabilis na binuksan ang pinto.
Nagulat naman ang mga tao sa loob. Andun si Tito Hernan, tatlong guwapong lalaki na kasing-edad ni Klarence, isang pari base na rin sa suot nitong damit, isang may edad nang babae na marahil ay ang Auntie ni Klarence at isang nasa mid-20s na babae din, doktor at dalawang nurse.
Sino kaya itong babaeng to?
Bumaba ang tingin ko sa taong nakahiga sa hospital bed. Siya nga si Klarence Montenegro! Medyo pumayat ito pero kita pa din ang kaguwapuhan dito. Maraming nakakabit na tubo sa katawan nito. Bigla akong nakaramdam ng awa dito.
"Annika! Anong ginagawa mo dito? At sino yang kasama mo?" manghang tanong ni Tito Hernan.
Nilingon ko si Klarence. "Klarence, ngayon na," sabi ko dito na sinagot naman nito ng tango.
"Hernan! Sino ang baliw na yan?" mataray na tanong nung matandang babae.
"Ms. Elvira.. si...si Annika. Pamangkin ko. Pasensiya na," tila nahihiyang sagot ni Tito Hernan, at saka ako nilapitan.
"Annika, anong kalokohan to?" kunot-noong tanong ni Tito Hernan.
"Tito...please...pwede pang mabuhay si Klarence. Si Sir Klarence, I mean. Kasama ko siya ngayon para bumalik sa katawan niya," sagot ko dito.
Bigla namang humagalpak ng tawa yung mas batang babae. Halos maiyak na ito sa katatawa.
"Mr. Hernan, hindi ko akalaing.... may lahi pala kayong....baliw?" sabi nito sa pagitan ng pagtawa niya.
Pinigilan ko ang sarili kong patulan yung babae. Sabagay, sino bang matinong tao ang maniniwala sa akin? Lalo na ang babaeng ito na wala yatang ginawa kung hindi ang mamustura lang.
"Annika. Umuwi ka na," pigil ang galit na utos sa akin ni Tito Hernan.
"Tito...totoo po ang sinasabi ko. Nakakausap ko si Klarence. Mula nung iniwan mo ko sa bahay niya, siya na ang kasa-kasama ko doon. Nung una nga akala ko patay na siya. Kaya pala hindi siya nararamdaman nitong si Duncan bilang isang espiritu ay dahil sa buhay pa siya," paliwanag ko dito.
Nakita kong nagtinginan iyung tatlong guwapong lalaki.
"Annika! Umalis ka na! Mag-uusap tayo mamaya sa bahay!" galit na sabi ni Tito Hernan.
Nakita ko pa ang pag-ismid ni Mam Elvira sa akin.
"Tito! Totoo ang sinasabi ko! Hindi ako nababaliw!" desperado kong sagot dito.
"Annika! Wag matigas ang ulo. Nakakagulo ka lang dito sa hospital. Umuwi ka na! Umalis na kayo niyang kasama mo!" sabi ni Tito Hernan, at saka naglakad palapit sa akin.
Hinawakan ako nito sa palapulsuhan ko at saka ako sapilitang iginiya papunta sa may pintuan. Pilit kong kinokontra ang paghila nito sa akin.
"Tito...paniwalaan nio naman po ako. Nagsasabi po ako ng totoo..." naiiyak ko nang sagot.
"Annika!"
Napalingon ako kay Duncan na nakatingin sa monitor na nakakabit kay Klarence.
Sinundan ko ito ng tingin.
Beep. Beep. Beep. Beep. Beep. Beep.
~CJ1016