NAPANGANGA si Rick nang makita niya ang hitsura nina Bearlan at Tiffany na magkayakap. "Ang mga hudyo, dito pa talaga gumagawa ng malaswang bagay! Mga 'di na nahiya sa akin! Pfft!" "Pwede ba maghanap naman kayo ng lugar na walang tao?!" inis niyang sabi sa dalawa na nakangiwing tumayo mula sa pagkakahiga. Nilingon ito ni Bearlan habang nakayakap pa rin ito sa dalaga at inirapan siya nito. Saka sumenyas na lumabas siya. Napa-"Wow" si Rick sa loob-loob. Kasalanan pa niya ngayon na makita niya ang mga ito sa gano'ng posisyon? Wow ha?! "Come on! Labas na!" madali pa sa kanya ng kaibigan. "Oo na! Ang lawak-lawak kasi ng resort dito pa kayo naggaganyan-ganyan!" busangot ang mukhang sagot niya at labas na nga. Habang si Tiffany ay parang estatwa pa ro'n o sadyang ayaw niya lang kumilos dahi