"HOY! Ano pa'ng nililingon-lingon mo d'yan?! Ginising-gising mo ako! Tinanggal-tanggal mo pa 'yang bra mo tapos 'di ka naman nagku-concentrate sa pagturo sa 'kin!" Marahas na kalabit ni Bearlan kay Tiffany. Nasa tabi ng dagat na sila at ready na ang binata. This time ay buo na rin ang loob nito na subukang lumusong sa tubig. Kakalabanin na nito ang takot nito sa dagat. "Si Rick kasi parang kanina ko pa hindi napapansin? Hindi ba niya tayo sasamahan?" may pag-aalala sa tonong tanong ni Tiffany. Palinga-linga siya. Hinahanap ng tingin niya ang tinukoy na binata. "Hayaan mo siya. Come on, let's start." Lumakad na sila palapit mismo sa may tubig. Palingon-lingon pa rin si Tiffany sa likuran na napapakamot sa ulo. Nag-aalala kasi siya na baka nagalit o nagselos si Rick sa inasal niya sa kuw