READY na naman sa Tiffany sa pagpasok at nakasanayan na rin niya ang buhay sa America kaya ngiting-ngiti na siya na lumabas sa kanyang apartment. Naka-coat siya ng makapal dahil nag-i-snow ngayon sa labas. "Good morning, Tiffany," bati sa kanya ng kapitbahay niya. "Good morning din po," pero kahit matagal na rin siya sa America ay hindi pa rin niya nakakalimutan ang paggalang sa pananalita. At sa katagalan na rin niya roon ay kagaanan na niya ng loob ang mga tao ro'n. Lalo na ang mga kasama niya sa apartment. "Tiffany, pasok ka na?" At may mga kilala na rin siyang mga Pilipina rito. Isa na si Sabrina na tumawag sa kanya. "Sabrina, ikaw pala. Wala ang mga amo mo?" Si Sabrina ay kasambahay sa isang malaking bahay na malapit sa apartment. Naging kaibigan na niya ito kahit hindi madalas m