PAGSAPIT ng bakasyon, umuwi nga ng Pilipinas si Tiffany. Pagkababa sa eroplano ay nakangiting napasinghap siya ng hangin. Amoy na amoy na niya ang halimuyak ng kanyang tinubuang silanganan. Nakaka-miss nga palang talaga ang sariling bansa. Laking pasalamat niya talaga dahil pinayagan siya ni Madam Amelia na makapagbakasyon. Kung ano man ang mga kondisiyones ng mayamang ginang ay walang magiging problema sa kanya. Kung sasabihin ng madam na bawal pa rin siyang makipagkita kay Bearlan ay gagawin niya. Sa ngalan ng kanyang mga pangarap ay kaya niyang tiisin ang tinitibok ng kanyang puso. Ano naman ang tatlong taon pa na titiisin niya na hindi makita si Bearlan kung kapalit n'yon balang araw ay ang kalayaan na nilang magmahalan? Saka naiintindihan niya ang gusto ni Madam Amelia. Totoo namang
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books