KABANATA 22: KANINA LANG, NANGHAHAMON PA siya at sinabing baka isang bote pa lang ay lasing na ako. Pero ito siya at gusto pang bumili ng kalahating case ng beer kahit lasing na lasing na siya. "Hindi na nga pwede! Hindi tayo makakauwi kapag nalasing ka nang husto! Hindi ako marunong magdrive!" Pilit niya akong hinahatak pero hindi ako nagpapadaig. Medyo nahihilo na rin naman ako dahil nakatatlong bote ako, pero alam ko pa rin naman ang ginagawa ko unlike sa kaniya na parang hindi na niya alam ang ginagawa niya. Sigurado akong magsisisi 'yan mamaya o kaya bukas kapag nahimasmasan siya. Huminto siya sa paghila sa akin at saka ako hinarap. "Lasing na ba ako? Kung lasing na ako, edi sana umiyak na ako sa harap mo!" aniya. Tumaas ang kilay ko habang nakatingin sa namumula niyang mukha. D

