KABANATA 21: MEDYO MATAGAL DIN KAMING BUMYAHE, halos inabot yata kami ng apat na oras. May traffic pa kaya ang tagal talaga! Halos makatulog na nga ako e. Sinabi ko lang naman sa kaniya na pumunta kami sa lugar kung saan mawawala ang lungkot niya. Pero halos lumayo na kami sa syudad dahil sa layo nito. Nagpunta lang naman kami sa Nasugbu, Batangas. Matapos niyang iparada ang kotse niya, kaagad na dumiretso kami sa isang resort. Hindi ako nagsasalita pero yari ako nito lalo na sa bayaran dahil wala naman akong pera, isang daang piso lang ang dala ko. Buti nga binigyan ako ni nanay kahit medyo mainit ang ulo niya kanina dahil naglilihi na naman siya. "Wala akong pambayad rito," pabulong na sabi ko sa kaniya habang nagbubook siya ng cottage. "Hindi naman kita sinisingil," sagot niya. Ibi

