Kahit nasasaktan ay tinitiis na lang niya, wala siyang magagawa eh. Mahal na mahal niya si Caiyhlyn, kaya kahit mahirap kailangan niyang tanggapin na laging may kahati sa atensyon nito. Dahil kung patuloy siyang tatakas sa tuwing nasasaktan ay walang mangyayari sa kaniya. May edad na siya at dapat bago siya maging thirty-five years old ay nasa maayos na ang kaniyang mag-ina. “Boss, talagang walang ng bawian ‘to ah!” “Oo naman, lahat ay gagawin ko para lang tanggapin niya akong muli kaya sisimulan na natin ang panliligaw sa kaniya at hindi ka maaaring mawala sa tabi ko dahil wala akong idea sa ganito.” “Huwag kang mag-alala boss lagi akong naririto para tulungan ka.” “Salamat Rusty, tunay kang kaibigan.” “Mabait ka kasi boss, kaya siguro aalis lang ako sa tabi mo pag nasa ayos na ang

