Kasalukuyan silang nasa isang park dahil sa kahilingan nang anak kaya sila naroon, at kahit hindi sila masyadong nag-uusap ni Caithlyn ay ayos lang sa kaniya dahil ang mahalaga naman ay magkakasama silang tatlo. Libang na libang ang anak sa paglalaro nila ng bola, gusto raw nitong matutunan ang football kaya naman tinuturuan niya ito. Kampanti naman siya na safe ang kaniyang mag-ina dahil nakakalat ang kanilang mga bodyguard. Subalit bigla siyang nakarinig ng mga sigawan sa paligid at nang lumingon siya ay unti unting bumabagsak sa damuhan si Caithlyn habang nakaangat ang kamay nito na tila gusto siyang abutin. Para siyang na paralisado at hindi nakagalaw kundi pa narinig ang malakas na sigaw ng anak. “Mommy ko!” Saka pa lamang siya tumakbo palapit sa kaniyang mag-ina, mabilis naman napa

