Honeymoon…. “Saan ba tayo pupunta?” “Sa honeymoon nga baby, bakit may iba pa ba tayong dapat na puntahan?” “Eh, kasi naman bakit kailangan pang sumakay ng eroplano ay maaari namang doon na lamang tayo sa bahay natin huh!” “Baby, huwag ka nang magreklamo dahil sigurado naman ako na magugustuhan mo ang pupuntahan natin.” “Gaano tayo katagal doon?” “Isang buwan… “What? Kung gano’n pala ay bakit hindi natin isinama si Mak Mak?” Sa halip na sumagot ay lumapit siya sa asawang kanina pa tanong nang tanong. Niyakap niya ito at hinalik halikan sa buhok, “honeymoon natin ito baby, natural na tayong dalawa lang.” “Gano’n ba ‘yon?” “Oo, kasi gagawa na tayo ng kapatid ni Mak Mak at nang may makalaro naman siya sa bahay.” “Makalaro? Eh, teenager na nga ‘yon huh!” “Kahit pa magbinata na siya

