Masasabi kong walang permanente sa buhay, noon akala ko ay puro pasakit, lahat nang dumarating ay problema at wala na yatang pag-asang lumigaya. Ngunit tayo pala ang gumagawa ng ating kalaparan, kung marunong kang mag tiis, magtyaga at maghintay ay may magandang daan tungo sa kabutihan at magtuturo sa tunay na kaligayahan. Noong mahalin ko si Marcus Ortega, inakala kong walang puwang para maging masaya. Ilang beses kong sinabi sa sarili ko na tama na, hindi siya ang para sa akin. Lumayo, umiwas, nagtago at pinilit siyang kalimutan subalit sa huli ay siya pa rin at kailanman ay hindi nawala sa kaibuturan ng aking puso. Dahil ang tunay na pagmamahal pala ay walang hinihintay na kapalit. Lahat tayo ay may natatagong kahinaan, at ang kahinaang ‘yon ay siyang dapat na pahalagahan, tanggapin a

