“Salamat Jewel at nakarating ka, akala ko ay wala akong escort ngayong gabi.” “Hindi ba at nabanggit ko naman sa’yo na ngayon ang uwi ko ng Pilipinas?” “N-nabanggit naman kaya lang hindi ko inaasahan na makakarating ka sa mga oras na ito, tapos hindi ka man lang nakapagpahinga ay nag diretso ka na agad dito mula pa sa Thailand.” “Sweety, ayos lang ‘yon at isa pa ay hindi naman malayo ang pinanggalingan ko. By the way sino pala ang bagong CEO sa branch na ito?” “I think si Ate Chariz, pero hindi ko pa sigurado kung siya na kasi kasama ang pangalan niya sa listahan nang mga candidate.” “Akala ko kasi ikaw eh,” tila may panghihinayang ang kaniyang boses ng sabihin iyon. “No, at kahit kasama ako sa listahan ay hindi ko pa rin tatanggapin ang posisyon dito.” “Bakit naman, ayaw mo ba rit