Hawaii “Anong ba ang kailangan mo sa akin Marcus at pinapunta mo pa talaga ako dito?” “Bakit ka nagtatanong ng ganyan samantalang nasa plano naman natin ang magtungo sa lugar na ito.” “Alam natin pareho na hindi iyan ang tunay na dahilan mo kung bakit tayo naririto ngayon.” Nagsisimula nang uminit ang kaniyang ulo dahil sa sagot nito sa kaniya. “Mamaya na tayo mag-usap at Mabuti pang magluto muna ako ng makakain natin. Alam mo bang ilang araw na akong hindi nakakakain ng maayos?” “Kasalanan ko kung bakit hindi ka nakakakain? Isa pa bakit mo sinasabi sa akin ang bagay na ‘yon?” “Dahil ikaw ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito, gumagawa ka ng ikakasakit ng loob ko at ipinahiya mo pa ako sa ibang tao.” Napakunot noo siya sa narinig, ano bang pinagsasabi ng lalaking ito at saan nama