Kalalapag lang niya sa bansang England ay agad na siyang dumiretso sa kwarto nang kaniya ng abuelo. Si Rusty ay nagtuloy naman sa kitchen kasama nang ibang bodyguard niya. “Lolo, bakit mo ako ipinatawag may mahalagang bagay ka bang kailangan sa akin?” “Bakit ganyan kang magtanong? Hindi ba maaaring gusto lang kitang makita kaya kita pinapunta dito?” “Hindi naman po sa gano’n kaya lang ‘di mo naman ‘yon gagawin kung hindi mahalaga ang sasabihin mo sa akin. Isa pa sinabi mo noon na hindi ako maaaring bumalik hanggang hindi ko kasama ang anak ko.” “Iyon nga ang pag-uusapan natin, dahil kong hindi ko pa kinulit ang kaibigan mo ay hindi siya magsasalita. Ngayon magsabi ka sa akin ng totoo, bakit kailangan akong makausap ng ama ni Caithlyn Montemayor?” “D-dahil alam na po niya ang totoong

