Matapos ang nakakapagod na araw ay iniwan ni Caithlyn ang anak at si Marc sa living room. Busy ang dalawa sa pag-assemble ng mga laruan at wala naman siyang gagawin kaya mas mabuti na doon na muna siya sa kwarto. Dahil sa nainom na alak ng nagdaang gabi ay medyo masakit pa ang ulo niya dumagdag pa ang maghapon sa pag-iikot nila sa loob ng Mall. Kaya naman pagkarating sa loob ng silid ay binagsak ang katawan sa malapad na kama at ilang minuto lang ay tuluyang nakatulog. Sa living room ay masyadong tutok ang atensyon ng dalawa sa ginagawa kaya hindi na napansin na wala na roon si Caithlyn. “Si Mommy ko po?” “Baka nasa kwarto o sa kusina, hindi ko rin napansin na wala na pala siya dito.” “Daddy Marc, mamaya na po natin ito ayusin kasi oras na ng pagtulog ko.” “Ah, ganon ba sige kung ‘yo

