DUMATING ang Monday at napagpasyahan na ni Vaughn na dalhin na ako sa sinasabi nitong school, dahil nga enrollment na. Naasikaso na rin pala niya ang mga papeles ko sa dati kong school para makapag-transfer na ako. Vantrelle Royal Academy ang pangalan ng magiging bago kong school. Almost fifteen minutes lang ang biyahe mula sa kaniyang mansyon. The moment we passed through the university gates, I was left speechless. Hindi na ako makapaniwala pa sa aking nakikita. Ang laki ng campus. Ang tataas ng mga buildings na puro glass wall at may mga elevator pa—tanaw na tanaw kahit sa malayo. There was a shopping mall inside the campus, along with an indoor arena, gourmet cafés, fine-dining restaurants, a grand cafeteria, a salon, a wellness spa, a state-of-the-art gym, a medical clinic, and eve

